Essay 001: Taga-ilog: Lahing Tagalog

in #writing6 years ago (edited)


image

Taga-ilog: Lahing Tagalog

Ang iba’t ibang mga pangkat-etniko sa Pilipinas ay kinikilala ang kanilang sarili sa isa o higit pa na mga salik katulad ng lipi, wika, relihiyon o sa isang magkatulad na kasaysayan. Mula hilaga hanggang timog, ang pinakamarami sa mga pangkat na ito ay mga Ilokano, mga Pangasinense, mga Tagalog, mga Kapampangan, mga Bikolano, at mga Bisaya. Sinasabi minsan na bahagi ang mga pangkat na ito sa lahing Austranesyano at/o lahing Malay; bagaman, kadalasang tinuturing ng marami na walang batayang pang-agham ang guhit-balangkas na nakabatay sa lahi, lalo na dahil sa tinuturing na Pilipino ang mga Negrito sa Pilipinas.

Ayon kay Estrera, bumibilang ang mga Tagalog ng may 15,876,000 at sila ang may pinakamalawak na distribusyon sa bansa. Pinagtatalunan pa rin ang pinagmulan ng mga Tagalog, kung nanggaling ba sila sa kilala ngayong Taal, Batangas, o mula sa katimugan kung saan nanirahan ang kalapit-wika nilang mga Bisaya. Gayunman, katulad ng iba mga katutubong kapangkatan, pinaniniwalaang mga inanak sila ng mga taong nagwiwika ng wikang Awstronesyo mula sa sinaunang Taiwan. Nagsasalita ang mga mamamayang Tagalog ng wikang Tagalog, na may maraming mga sari-saring kaibahang pangdiyalekto, bagaman itinuturing na mauunawaan ang lahat ng mga diyalektong Tagalog. Karamihan sa mga mamamayang Tagalog na may dugong Merdika at may-halong Merdika at Kastila sa Ternate, Cavite ang nagsasalita ng diyalektong Ternateño ng Chabacano.


image


image


image

Masasabing napakayaman talaga ng Pilipinas pagdating sa kultura at mga tao. Ang mga ito ay patunay lamang na noon paman ay sagana na ang Pilipinas sa kultura at paniniwala. Makikita na isa ang pangkatng mga tagalog na pinagmulan ng mga magigiting at matatalinong mga bayani. Sa kabila man ng pagkakaiba-iba at heyograpikal na distansya sa bawat isa, mas umusbong parin ang pagkakaisa sa bawat etnikong pangkat ng Pilipinas. Masasalamin dito ang pagkakaisa sa pagkakaiba ng bawat isa, kahit na iba ang kulay, paniniwala at kasuotan ay nagawa paring magkaisa tungo sa isang minimithi.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63131.59
ETH 2586.04
USDT 1.00
SBD 2.78