Wordpoetrychallenge #3: GINTONG MEDALYA

Magandang umaga kapwa ko steemians
Ito ang aking entry para sa patimpalak ni @jassennessaj na paglikha ng tula gamit ang temang GINTONG MEDALYA
Ang larawang nasa baba ay an aking anak,hindi pa po sya nag aaral hiniram nya lang yung medalya,,hahahaa.
Sana a inyong magustuhan

GINTONG MEDALYA

orihinal na likha ni @khylled24
IMG_20180521_094308_870.JPG

Ang magkaroon ng anak para sa akin,
Ay isang gintong medalya kung maituturing
Sa pagkat biyaya ito ng panginoon sa amin
Nang aking mahal na asawa o kabiyak din

Gintong medalya sa amin ay dumating
Kaloob ng maykapal upang kami ay hamunin
Sa hamon ng buhay kami ay patibayin
Bilang mga magulang saming anak ay sisikapin

Magkaroon ng anak ay sadyang masaya
Hirap at pagod, sa ngiti nya'y mawawala
Ang lahat ay gagawin parang lang sa kanya
Mapalaking maayos,malusog at masigla

Mabubuting asal lahat ay ituturo sa kanya
Lumaking may takot sa diyos ay lalong-lalo na
Salamat panginoon sa binigay mong biyaya
Mamahalin at aalagaang mabuti itong gintong medalya

MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA NG AKING TULA SANA AY INYONG NAGUSTUHAN

DQmRKgYYp1TzWmvqtnfbMSLZQSgUXinUxqyHyd39HZ8j7gx.gif

received_1776846449076722.jpeg

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 68154.08
ETH 3274.07
USDT 1.00
SBD 2.66