Word Poetry Challenge #8 : Tagpuan
orihenal na likha ni Bb. #yurean
Tagu-taguan maliwanag ang buwan,
pag bilang ng sampu, wag mo'kong iwan,
Isa pipikit na ang aking mga mata,
dalawa nagdadasal na makikita kapa,
tatlo aking naalala ang mga panahong tayo pang dalawa,
mga panahong kung kelan kayakap pa kita.
apat nakangiti ang aking mga labi sa presensya mong aking nabatid,
pagmamahal sayo ay totoo at matibay dahil sa ating lubid,
lubid na pinanghahawakan natin ng matagal na panahon,
lubid na binitawan mo na ng tuluyan kahapon.
lima mahal kita ng sobra aking sinta,
ako'y patawarin mo't hindi ka mawala sa'king alaala,
anim ako'y kinakabahan dahil mawala kana saking paningin,
ako'y nababahala dahil alam kong mawawala kana sa'king piling.
pito malapit ng maging sampu ang bilang,
ayoko pang dumilat dahil ikaw ay hindi ko mahahanap,
sapagkat ikaw ay nakatago sa lugar kung saan hindi ko na mapupuntahan,
walo kunti na lang at ako ay mababaliw na sa kakaisip sa susunod,
unti-unti na akong nalulunod,
hindi ko na kayang maghintay sa taong hindi ko na mahawakan,
ayokong sumuko kahit ano paman 'yan,
dahil alam kong hindi mo ako kayang iwan.
siyam tibok ng puso ay sobrang bilis,
dahon ng punong kahoy bigla kong nahagis,
binuksan ko ang aking mga mata at tumakbo para hanapin ka,
sabihin mo naman kung saan ka nagtatago o aking sinta,
pa ulit-ulit na akong lumuluha.
Ako'y nakayuko na at nakaluhod sa lupa,
hinintay na kumalma ang aking pusong sumisipa,
ako'y sumubok na bumilang ulit habang nakapikit,
sampu binigkas ko ang panghuling numero,
ako'y napaisip kung saan kita makikita,
ako'y tumkbo sa lugar kung saan tayo palaging pumupunta,
bilis ng tibok ng puso ko'y hindi na mapigilan,
lahat ng mga ibon na aking madadaanan ay nag-uumpisa ng mag si-awitan,
ako'y tumingala sa kalangitan,
ulan ay biglang nawala,
naalala ko na Ikaw ay kapiling na pala ni Bathala,
mag-isa na lang akong naglalaro ng tagu-taguan
at naiwan dito naghihintay parin sa'ting dating tagpuan
Sampung taon ng nakalipas, sampung taon narin akong naglalaro ng tagu-taguan mag-isa, at sampung taon narin akong naghihintay sa wala aking sinta