Word Poetry Challenge #7: Simbahan

in #wordchallenge6 years ago (edited)

IMG_7573 (21).JPG

Hindi mawaglit
Sa alaala ng isang paslit
Na minsa’y siya’y iyong ipinuslit
At sa puso niya’y iyong iginuhit

Tadhana mo’y tadhana niya rin
Ibig mong sa Diyos siya’y paglingkurin
At dahil siya ay batang masunurin,
Pangarap mo’y pangarap niya na rin.

Ibig niyang tahanan Niya’y pagsilbihan
Gaya mong simbaha’y ginawang tahanan
Sapagkat ani mo’y kailanma’y hindi magiging luhaan
Ngunit bakit, bakit ka biglang lumisan

Buhay mong inilaan sa Kanya
Kinitil ng kapwa mo sumasamba
Paano iyon tatanggapin
Kung batas ay wala paring ngipin

Paano muling haharapin
Ang nooy pangarap mo sa akin
Kung yun rin ang dahilan ng pagkawalay natin
At ngayon, hindi ko pa rin maiwasang sila ay lahatin.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 61282.12
ETH 2375.20
USDT 1.00
SBD 2.55