Pixabay
Gusto kong masungkit ang gintong medalya
Para makapag pasikat sa aking kras na si Nelya
Gagawin ko ang lahat lahat maiuwi ko lang ang gintong medalya
Manalo man o matalo ang importante ay naging maligaya
Unang baitang sa pag-aaral ako nagkaroon ng gintong medalya
Hindi ito naging madali sapagkat sa unang tingin ko'y hindi ko kaya
Walang humpay na dasal ang aking ginawa sa loob ng kapilya
Mabigyan ko lamang ang aking mga magulang ng isang gintong medalya
Sunod sunod ang palakasan na aking pinanalunan, hindi ko na mabilang kung ilan
Mapa takbuhan man o larong bola, hindi ako nag-papigil kahit kanino kahit kailan
Hindi man maiwasan na mapilayan, inaalay ko kay itay ang huling gintong medalya
Ibubuhos ko na ang lahat dito sa huli kong laban para maiuwi ang aking gintong medalya
Salamat sa inyo sa walang tigil na pagsuporta at pagtiwala sa akin
Pagaaral man o palakasan o sa pagkabisado ng mga salawikain
Sa ngayon ako'y magiging hurado na lang muna, sapagkat ako'y matanda na
Ayos na sa akin ang manood na lang kasi ako'y retirado na
#wordchallenge
Hurado na dahil matanda na. Bow. Haha
Hango sa totoong buhay yan hehe. Hindi na makapag basketball pilay na saka laos na haha.
Tsaka mabigat na ba? Haha
Tama lang bigat ko sa tangkad ko. Resistensya wala na, Kaya sulat sulat na lang, wala ng pag-asa sa mga sports maliban sa chess at games of the general hehe. Maraming salamat boss gawa ka na rin.
Nakagawa na din ako boss. Hehe
Pero ang ganda nito boss.
Anyare boss 2k sumurender na nag retiro ng maaga kaya ngayon retirado na??? Hahaha