"Word Poetry Challenge #3 : Gintong Medalya"

in #wordchallenge6 years ago

Itinago sa baol
Pamana ito ni utol
Pakaingatan nang maigi
Dulot nito raw sadyang kay buti

Itinabi para di maluma
Lumipas at di naalalala
San ka na gintong medalya?
Ikaw ay ibebenta!

Tumungo doon sa may Tambunting
Isanla baka magka kusing
Pagkabigo ang nadama
Butata 'yong halaga

Ngayon ako'y umuwi
Inis kay 'tol di mapawi
Balang ligaw tumama sa akin
Gintong medalya ay anting-anting!

meda.png

Pinagkunan ng Larawan





Dahil sa hindi na ako ang hurado sa patimpalak ni tropang @jassennessaj pwede nang sumali! Woohoo! Para sa pera at SBD parin muli ang inyong #memapost na makata maghahandog ng isang tula para naman sa temang Gintong Medalya. May pattern din akong ginawa ngayon dyan sa tulang iyan 7-8-9-10 na pantig sa unang talata, 10-9-8-7 sa ikalawa at ikatlong talata at sa huling talata 7-8-9-10 na pantig.

Sort:  

Galing talaga! Ganda ng twist hihi Godbless po kababayan

Hala napansin ang mema post ko nung Musikerong napakinggan ko! Woohoo ang saya saya nito. Sali ka sa patimpalak ulit. Para mas masaya. Tapos lagyan mo na ng DSOUND.

Salamat kapatid! Hihi

Ba't nga ba ako ang napiling judge hindi naman ako makata 😅
Magaling at kakaiba itong gawa mo TP bro. Hanggang dun na lang muna ang kumento ko, para di halata yun criteria ko for judging haha.

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.030
BTC 59347.70
ETH 2534.40
USDT 1.00
SBD 2.47