Word Poetry Challenge #8: TAGPUAN

in #wordchallenge6 years ago (edited)

TAGPUAN
orihinal na likha ni
@tinkerrose


link

Ako’y nagdadalaga iisang lugar nais kung makita,
Hindi ko napansin ika’y madalas doon pumupunta,
Pakiramdam na may nakatitig ito’y aking binaliwala,
Sa lugar na napakatahimik, gusto kung mapag isa.

Kay sarap pagmasdan ang paglubog ng araw,
Sa kabilang parte nitong ilog ika’y natatanaw,
Ika’y kumakaway sabay ng matamis mong ngiti,
Hindi ko namalayan namumula aking mga pisngi.

Saksi ang ilog, puno, ibon sa araw araw,
Saksi ang hangin sa pag ibig nating sumasayaw,
Sa ating tagpuan tayo’y malayang nakakagalaw,
Ating paglisan, puso mo’y pilit na umaayaw.

Paraisong lugar na malaya sa atin itinadhana,
Maging tagpuan yaring isang dalaga at binata,
Makikita ang isang wagas at walang hanggan,
Nang dalawang puso na totong nagmamahalan.


Aking likha sa iyong patimpalak @jassennessaj

Sort:  

Pwede etong pang @tagalogtrail. Si @tagalogtrail ay "Tagahanap at Taga-suri ng Likhang Tagalog" :D Pwede mo add sa tag mo next time

salamat sa paalala @leeart. Sa susunod kong gawa.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65359.95
ETH 3492.90
USDT 1.00
SBD 2.51