Word Poetry Challenge #6. Tema : "Aking Ina"
@tinkerrose
pinagmulan
Walang makakahigit sa pag- aaruga mong ipanagkaloob,
Iyong kaalaman ay kahanga hanga sa lahat ng bagay,
Isa kang dakila at isang gintong biyaya sa aming buhay.
Masusustansiya at masasarap ang mga nilulutong pagkain,
Naglalaba, namamalantsa, naghuhugas ng mga plato at iba pa.
Parang si wonderwoman walang kapaguran gabi at umaga.
Salamat, sa iyong walang sawa at purong pagmamahal,
Isang butihing maybahay na aming pinakamamahal,
Ni kailanman, hindi narinig na ikaw ay pagod at nasasakal.
Manunumpa hanggang sa pagtanda aalagan kita, yan ay pangako
Aking igagapang ang iyong mga pangangailangan, saan man ako patungo,
Ikaw ang dahilan, ako’y isinilang at nasulyapan, kung ano ang ganda ng mundo.
Napakagandang tula. Damang dama ko ang emosyon sa bawat linya at salita :)
Maraming salamat @spreadyourword
Walang anuman @tinkerrose :)