Word Poetry Challenge #3 : "Gintong Medalya"

in #wordchallenge6 years ago (edited)

gold.jpg
https://pinagmulan

"GINTONG MEDALYA"

Nakapagtataka tahimik dito sa amin ngayon,
Malamig na hangin, panahong tila umaambon,
Humihigang pusa, Asong hindi man lang kumakahol,
Sa paligid ng bahay animo’y may burol.

Ako’y naglalakad patungo sa may hardin,
Nakita ko si Inay na nagdidilig sa mga tanim,
Bahagya agaw pansin isang maliit na kahon,
Sambit ko, Inay anong meron dito sa isang karton?

Napaisip, ito’y binuksan ng dahan dahan,
Aking tiningnan na walang pag alinlangan,
Nakasilid gintong medalya ng aking kabataan
Itoy gantimpala noon sa aking karunungan.

Kay sarap balikbalikan ang aking kasipagan,
Walang sawang pagsuporta ang aking kinagisnan,
Naranasang umakyat sa intabladong may dangal
Gintong medalya ang aking natanggap na parangal.

_____________________________________________________________________

Ito ang aking likha at entry sa paligsahan mo @jassennessaj

Sort:  

Sana ako din ay may magkaron ng gintong medalya, na maari ko rin tignan tignan balang araw :D Pawer po para sa magandang likha at magandang alaala.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 58613.96
ETH 3153.58
USDT 1.00
SBD 2.43