Word Poetry Challenge #2 : "Huling Sayaw"
Parang nagliliyab aking kalooban,
Aking sisiguraduhin ito’y pupuntahan,
Upang ika’y muling mapagmasdan.
Sa tug tog nito’y napapaindak aking mga paa,
Hindi mapigilang mapapasayaw talaga,
Nitong musika mong kamangha mangha,
Bawat pagkilos mo, ay iyong damang dama,
Bawat indak, ika’y nakatitig sa aking mga mata,
Ako’y napapikit sa sobrang tuwa na di alintana.
Ang aking damdamin ay kay ningning,
Huling sayaw man na kasama ka aking twina,
Sa iyong pagkawala, alaala ay hindi mabubura.
Yan ang pag-ibig! Kahit may sakit na gagawa parin ng paraan makita ang sinisinta!
Good luck po sa patimpalak!
Salamat @tpkidkai. Tunay na pag.ibig, hahamakin ang lahat makita ang iyong iniirog
Hahah tama-tama nga pala dahil sa parang may pagka makata ka. Maaari kang sumali sa munti naming grupo sa discord
https://discord.gg/gA8Jtr
Panay manunulat sa wikang Filipino ang nandoon
Akoy nagagalak sa iyong alok @tpkidkai.