Word Poetry Challenge #10 : PANGARAP

in #wordchallenge6 years ago (edited)

PANGARAP
by @tinkerrose

link:

Kahit musmos ay may mga pangarap sa buhay,
Malaki o maliit man ito para sa mga nakararami,
ito ay katumbas ng isang pangakong may kulay,
Bibigyang kahulugan at hindi ito isasantabi.

Noon isang pangarap lang ang makapagtapos,
Isang panaginip na parang imposibleng mairaos,
Balakid na tatahakin maituturing isang unos,
Dahil sa buhay’ng pinaglalaban kahit hikahos.

Pinapairal sariling pagpupursigi at katatagan,
Pangarap hindi mapigilan ng kahit sino pa man,
Isang paglalakbay tanging sarili siyang sandalan,
Pilit binabaliwala tawag ng buhay ay kahirapan.

Magbanat buto upang pangarap ay matustusan,
Ito’y isa lamang sa pasakit na aking naranasan,
Hindi maitanggi itanong ano ang aking kasalanan,
Gayunpaman walang katumbas sariling kaalaman.


Aking tampok sa iyong patimpalak @jassennessaj

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 64573.45
ETH 3441.06
USDT 1.00
SBD 2.51