Word Poetry Challenge #10 : PAGSUBOK

in #wordchallenge6 years ago (edited)

"PAGSUBOK"
orihinal na likha ni
@tinkerrose


source

Araw araw tayo ay may dinadala sa buhay,
Mabigat o magaan sa ating pakiramdam,
Ngunit sa ating isipan ito’y hindi humihiwalay,
Bagkos nakadikit kapalaran anong pakialam.

Tinatawag man itong pagsubok ng nakararami,
Ito’y pilit iniiwasan pero nakaguhit na sa sarili,
Kahit pilit kinakalimutan at ating pinaglalaban,
Simula’t sapul ito’y buong buhay sumpang pasan.

Nang tayo’y ipinanganak at walang muwang,
Isang dagok na maituturing ating pinapasan,
Na tayo’y mag aahon itong tawag ng kahirapan,
Maging isang sundalo at punan ang may kulang.

Itinataas ang bandira nabibilang sa taong api,
Saan at Sino ang siyang nararapat na kasapi?
Sa sariling bayan sigaw salitang katotohanan,
Walang masasandalan, Hustisya ika’y nasaan?


Ang aking tampok sa iyong patimpalak @jassennessaj

Coin Marketplace

STEEM 0.33
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66598.01
ETH 3236.65
USDT 1.00
SBD 4.66