Word Poetry Challenge #10 : PAGSUBOK

in #wordchallenge6 years ago (edited)

PAGSUBOK
by: @tinkerrose

source

Mayaman at mahirap may pinagdadaanan,
Pero iba’t ibang uri itong mga pinapasan,
Na masasabing antas ng ating pamumuhay,
Minsan maituturing natin na hindi pantay.

Saan ka nabibilang dito sa mundong ibabaw?
Ang iyong estado ba ay isang napakapusyaw?,
Na sa iyong sarili ito’y hindi katanggap tangap?
Na nakaharang mga adhikain dapat nalalasap?

Pagsubok ng ilan ay simple at nasusulosyonan,
Sitwasyon na kayang kalimutan at ipagpaliban,
Pagsubok man ang isang pagkabigo ng pag ibig,
Paano lumimot natamong pagkabulag sa iniibig.

Tutuusin merong mas lamang at dapat talakayin,
Ang laban dito sa reyalidad na mundo ay siyasatin.
Pero ang pangkalahatan hindi nakikita ang pighati,
Kahit pagkain hirap at namimilipit sa isang salapi.

Na tayo ay naging bulag kung ano dapat ang tama,
Sa pagsubok na tinatamasa ng ating mga madla,
Sino ang ating takbuhan kasuloksolkan ng daigdig,
Sino ang dapat tagapakinig ng ating mga bibig.

Ano ba ang klaseng pagsubok aking pinaglalaban?
Maliit ba o malaki madadala sa aking pagtanda?
Na maging isang pasanin ko hanggang kamatayan,
Buhay na nakasalang sa dilim kailan mawawala?


Maraming salamat angaking pangalawang tampok @jassennessaj sa iyong patimpalak.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63750.99
ETH 3130.22
USDT 1.00
SBD 3.95