"Word Poetry Challenge #3 : Gintong Medalya"

in #wordchallenge6 years ago

IMG_20180523_095021.jpg

"Gintong Medalya"

by @rigor

Gintong medalyang mga nakamtan
Patunay sa aking mga natagumpayan
Nakamit ng dahil sa lakas at determinasyon
Patnubay at gabay sa ating panginoon

Elementari'y ako'y nahinto sa pag-aaral
Dahil sa sakit at kakapusang tulong pinansiyal
Ngunit ito'y sa akin hindi naging sagabal
Upang makamit ang pangarap na minimithi na kay tagal

Sa mga patimpalak ako'y kinukuha
PRESSCON, MTAP, o makatang likha
Humayo sa ibang lugar at paaralan
Upang karangalan at tropiyo'y siya'y aming makamtan

Nagtapos ng high school sa leeg may medalya
Sinabit ng aking mga magulang na sa akin ay nag-alaga
At ngayo'y nagpapatuloy sa aking landas
Engineering, tungo sa magandang bukas

Alam ko'y gintong medalya di ko makukuha
Kundi dahil sa sipag at kayod ng aking magulang na matiyaga
At sa panginoong sa atin may likha
Tulong at awa na sa akin ay biniyaya

Kaya sa lahat ng mambabasa sa tulang ito
Edukasyon siya'y palaguin sa buhay niyo
Sapagkat ito ang susi at sagot sa lahat ng problema
At gintong medalya na sa atin ay ipinamana

Maraming salamat sa pagbabasa at sana'y inyong nagustuhan😄😅

Ito po ang aking entry sa #wordchallenge paligsahan sa paggawa ng tula

rigor.png

Sort:  

Nakakabilib! Bagama't may mga hamon sa umpisa, napagtagumpayan mo naman ito.
At meron man darating na mga hamon sa hinaharap, yakang-yaka mo po yan. Good luck po future Engineer @rigor 😊 - Junjun ng #tagalogtrail

Maraming salamat @tagalogtrail sa iyong pagbabasa

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 63241.83
ETH 3086.26
USDT 1.00
SBD 3.82