Word Poetry Challenge #9 : Maskara

in #wordchallenge6 years ago

Narito po ang aking lahok para sa panibagong patimpalak ni ginoong @jassennessaj ang MASKARA.

Hindi ko alam kung panu magsisimula sa tulang ang tema ay maskara.Halos dalawang gabi ko po pinag isipan ang patimpalak na ito sapagkat ang inyo pong lingkod ay hindi bihasa sa ganitong pagkatha ng isang tula.

Ito po ay buong puso kong iniaalay para sa lahat ng may ganitong katayuan o pakiramdam sa buhay.

IMG_20180707_223141.jpg

Ang Maskara po na ito ay ginamit ko pa sa isang pagtitipon na.mahalaga para sa akin,kaya't ito po ay iningatan ko hanggang ngayon.

Narito po ang munting kong tula :

MASKARA

Sa isang pagtitipon ika'y aking nakita
Subalit ng ako'y palapit na ,
Sa bulwagan ika'y naglahong bigla
Animo palos sa bilis di na nakita .

Umuwing taglay ang pag asa sa isipan
Na tangi kong pinanghahawakan
Isang sandali ng muli'y di inaasahan
Ipagkaloob nawa na ika'y masilayan.

Ako'y nananalig at muliy napaisip
Angkin ang pag asa na sa muli nating pagkikita
Maskarang nagkukubli sa tunay mong katauhan nawa'y ipakita
Sa aking matagal ng umaasa.

Ako'y minsan na ding nagkubli
Iba't ibang maskara'y pinili
Upang sa pagharap sa ano mang hamon na ibig
Walang makakakita ,walang makakading sa tunay kong iniisip.

Sa panibagong umaga ,sa muli nating pagkikita
Sabay nating wawakasan
Mga maskarang sya nating naging kublian
Sa tunay at natatangi nating katauhan.

Salamat sa pagbasa !!!
❤ Regine ❤

I am proud member of #steemph, #steemitpowerupph, #gratefulvibes, #steemph-bulacan, #steemitfamilyph , #steemitdora , #tropa-ni-toto, #steemgigs

Please support @SURPASSINGGOOGLE as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.

U5drW8kWEQrtx8goFm4LiVAWMUVWxBc_1680x8400.jpg

DQmS8sNwbYNk3U1hBGjzF6YhiNt5RfvPxgpggw3yQrFpGwt.png

Sort:  

Wow..ang ganda ng tula mo..💖😀i like it👍

Salamat sis @yennarido, at nagustuhan mo..ako'y maghahanda sa muli nating paglalakbay sa dako pa roon upang kayo ay.muling makasama.❤

Sege sis @reginecruz hintayin ko yun sana makahanda ka para makalakbay naman ako sa panibagong yugto patungo sa dako pa roon..sabay2 tayung lahat para masaya..hehhehhe.lol😀👍

Ang ganda po, ate Reg 😍😍😍

This comment was made from https://ulogs.org

Salamat sis at nagustuhan mo ...nag aaral ako gumawa ng tula para kasing very expressive pag tagalog..achievement po ito.❤

May kaunting typo lang pero okay naman overall. Importante rin ang tamang pag-gamit ng NANG at NG at saka RIN at DIN. Napili sa poetry sunday ang iyong akda xx. Salamat sa pagbahagi.

Salamat po @steemph.bulacan, ..mabuhay po tayo!!!

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 62984.76
ETH 2472.53
USDT 1.00
SBD 2.55