"Word Poetry Challenge #8 : Tagpuan"

in #wordchallenge6 years ago (edited)

"Hanggang sa Muli nating pagkikita sa ating TAGPUAN"

Isang gabi habang ako ay nasa aking silid tulugan
Ako ay nahiga at sa sobrang pagod naidlip panandalian
Sa aking pagkaidlip , ika'y pumasok sa aking isipan

May sinasambit ka na ang pakiwari ko ay ang ating tagpuan
Alam nating dalawa na wagas ang ating pagmamahalan
Subalit may bagay na hindi natin kayang iwasan.

Isang araw habang ikaw ay papunta sa ating pagkikitaan
Kung saan tahimik at nababalot ng kaligayahan
Sa gilid ng simbahan na syang ating tagpuan.

church.jpg
Pinanggalingan ng litrato

Hindi sinasadya ikaw ay nabangga
Ng isang sasakyang rumaragasa
Impit na sigaw tila ako'y mawawala

Subalit ano itong naganap
Ika'y nawala sa isang iglap
Luha'y hindi mapigil, hindi man lang tayo nagkausap

Ako'y napabalikwas sa aking pagkakahimbing
May luha ang mata sa Kanya'y nanalangin
Nasaan ka na kaya ? Sana tayo'y pagsumpungin

Sana muli kahit sa aking panaginip
Ako'y bisitahin at muli'y makaniig
Sa tagpuan balang araw ikaw hihintayin.

Pangakong hindi magmamaliw
Mga pangakong nabuo sa tagpuan natin giliw
Hanggang sa kabilang buhay pag ibig ko'y sayo pa rin.

Ako ay nagpapasalamat sa kay @jassennessaj sa patimpalak na kanyang isinasagawa. Ako ay nagagalak makilahok sa patimpalak na ito sapagkat kahit sa simpleng paraan ay nakakapagbahagi hindi lamang ako kundi lahat ng may hilig sa pagkatha ng mga natatanging tula.

Thanks for dropping by!!!
❤Regine❤

I am proud member of #steemph, #steemitpowerupph, #gratefulvibes, #steemph-bulacan, #steemitfamilyph , #steemitdora , #tropa-ni-toto, #steemgigs

Please support @SURPASSINGGOOGLE as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.

logosteemph.png
poweup.gif

Sort:  

Ganda. Ang sakit sa puso hehe! Goodluck sa atin! <3

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by reginecruz from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Waaaaaaaaah! Akoy nagising, ikay nasilayan! Tila pumasok ang iyong mga salita sa aking puso. O kay gandang basahin ng iyong likha. Salamat sa taong tulad mo nabuhayan ang mga salita.

hahahaha ... napakahusay mo kaibigan , iba ka talaga...salamat sa iyong mgabinitawang salita :)

Akoy may pinagmanahan, ang aking inay! Naalala ko si nanay, kamusta naba ang kanyang kalagayan?!

Mabuti naman na sya...sasusunod na linggo muli ko syang dadalawin kaibigan..😊

Aba... ikaw palay makatang binibini, akoy nagandahan at lubos na nagalak sa tulang ito na handog mo sayong pinakamamahal. Ngunit higit sa lahat... ang iyong mga likha ay isiwalat pa sa plataforma ng steemit at nawang masilayan man lang iyan ng mga balyenang nagtatampisaw sa katubigan ng dagat....

Salamat po sa inyong magagandang salita mam@mers ,ako po'y nagagalak saninyong walang sawang suporta...para sa akin kayo po ay nabibilang na sa mga balyenang nasa kalaliman ng dagat ...balyena sa puso at isipan naming mga baguhan ..mabuhay po kayo 😊❤😊

Napakalupet ng mga katagang iyong binanggit. At napaksakit ng pangyayari sa tula mong ito..at alam ko magtatagpo kayu sa tagpuan na pupuntahan ng lahat.😊 mabuhay po kau.😊

Salamat po sa inyong mga tinuring ,ako po'y lubos na nagagalak..tama po kayo lahat tayo'y duon magkikita kita pagdating ng tamang panahon ...😊

Ang galing galing mo Naman I have @reginecruz ako'y nagagalak sa iyon makatang dila Ng tunay na Filipina!

Salamat po sa inyong magandang salita @jurich60..

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65359.95
ETH 3492.90
USDT 1.00
SBD 2.51