“Word Poetry Challenge #8 : Tagpuan”

in #wordchallenge6 years ago

261C7050-5D26-48E4-A938-3ABB30622962.jpeg

Isang dalampasigan na punong puno ng pagmamahalan
Tagpuan na kung saan tayong dalawa ay nagsumpaan
Mamahalin ka ngayon at hanggang sa magpakailanman
Tayo lang, walang iwanan, mamatay man

Kay sarap pagmasdan ang makikislap na bitwin
Habang tayo’y kumakanta ng isang awitin
Kailanman sa aking sarili, aking aaminin
Na ikaw na nga talaga ang babaeng para sa akin

Ang mga puno’t halaman ay punong puno ng ligaya at sigla
Sumasayaw sa bawat tugtog ng aking gitara
Kaligayahan sa puso ko’y aking nadarama
Sapagkat ikaw muli ay aking nakasama

Habulan dito habulan duon
Na tila sumang ayon sa atin ang pagkakataon
Hinihiling na di matigil ang mga oras na iyun
Sapagkat sa mundong ito, ikaw lang ang nakakapagparamdam sa akin nun

Hinaplos mo ang aking mukha
Sabay ng sabi mong “Mahal Kita”
Wala akong nagawa kundi ang yakapin ka
Kasabay ng pangako mong ako lang at wala ng iba

Isa dalawa tatlo, naglaro tayo ng tagu taguan
Ngunit di ka na nakabalik sa ating tagpuan
Kasabay sa pagbulong ko sa liwanag ng bwan
Na huwag mo sana akong iwanan

Di ko alam kung bakit at paano
Naiwan akong litung lito at gulung gulo
Unti unting nagugunaw ang sarili kong mundo
Nang bigyan mo ng katapusan ang pagmamahalang akala ko’y hanggang dulo

Lumipas ang panahon
Ngunit puso ko’y nangungulila pa rin sayo hanggang ngayon
Ikaw pa rin ang laging laman ng aking imahinasyon
Kahit di ka nasilayan ng napakaraming taon

Ako’y bumalik sa dati nating tagpuan
Aking hinanap muli ang inukit nating mga pangalan
Ngunit sa isang maliit na semento, pangalan mo ang aking natagpuan
Agad na lang naluha na ang dating tagpuan ginawa mong iyong huling hantungan

Mahal ko, lahat ng katanungan ay agad natuldukan
Lahat aking naintindihan nang malaman ko ang dahilan ng iyong paglisan
Mahal ko, antayin mo ako lagi dito sa ating tagpuan
Sapagkat darating ang araw di na ako mawawala sayong tabi, magmamahalan hanggang sa kamatayan.

Pinagkuhanan ng Imahe

Salamat po sa pagbabasa.

Ito po ang aking akda sa patimpalak ni @jassennessaj sa temang “Tagpuan” na kung saan si @blessedsteemer ang napiling hurado ngayong edisyon.

Sort:  

Congratulations @oscargabat your post has been featured at Best of PH Daily Featured Posts.
You may check the post here.


About @BestOfPH

We are a curation initiative that is driven to promote Filipino authors who
are producing quality and share-worthy contents on Steemit.

See Curation/Delegation Incentive Scheme here. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Follow our trail and vote for curated Pinoy authors. If you are a SteemAuto user, @bestofph is an available trail to follow.

If you want to be part of the community, join us on Discord

😍 Maraming salamat po at napansin nyo ang aking akda @bestofph! God bless you po.😊

Napakalalim at ang tindi ng hugot at imahinasyon mo sa iyong akda kabayang @oscargabat..nakakapanindig balahibo habang binabasa ko ang iyong akda. Malakas ang dating at tama timpla sa bawat litanyang iyong ginamit. Goodluck sa lahok mo sana manalo ka.😊

Maraming salamat sir @blessedsteemer, sadyang ito agad ang pumukaw ng aking imahinasyon nang makita ko ang tema ngayong Linggo. Tagpuan na may sumpaan. Nawa’y palarin. Magandang Umaga!🙂

Sana manalo ang iyong lahok.alam ko naman na isa ka sa mga alamat.😊

Salamat sir. Pero mas lodi ka.💪🏽👍

Hahaha..😊salamat alamat.😊

Nakakaantig sa damdamin ang katapusan. Para bang may tumirik na karayom sa aking aking puso at tumalab sa aking isipan. Isang napakagandang akda ito kaibigan, dahil damang-dama ko ang emosyon sa bawat letra na iyong pinaghuhugutan, @oscargabat. 😊

Sabi nga sa kanta, “walang sagot, sa tanong”, sabi naman ng aking akda, “mayroong sagot, sa tanong”. Maraming salamat @noreen sa magandang komento sa aking tula. 😊

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by oscargabat from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.20
JST 0.036
BTC 95982.42
ETH 3487.66
USDT 1.00
SBD 3.47