Word Poetry Challenge #5 Watawat ng Pilipinas

in #wordchallenge7 years ago

images.jpeg

https://www.google.com.ph/search?q=philippine+flag+with+its+people&client=ms-android-samsung&prmd=inv&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwi7_rn8qLrbAhVZb30KHeWJB8UQ_AUIESgB&biw=360&bih=560#imgrc=Fsth_wVo_H-PIM:


Watawat ng Pilipinas, simbolo ng sariling Pagkakakilanlan.
Ating bigyang pugay ang di matatawarang kabayanihan
Na buong pusong ipinaglaban
Makamit lang ang minimithing kasarinlan.


Jose Rizal, Andres Bonifacio, Gregorio Del Pilar at mismong si Lapu-Lapu,
Ilan sa mga natatanging sundalo na buong tapang na isinulong ang kalayaan.
Kaya sa kanila tayo ay dapat magdamdam ng pasasalamat na kahit kailan ay di man malilimutan.


Gamit ang kanilang lakas at liham,
Napukaw ang natutulog na diwa ng sambayanan.
Isiniwalat nila ang labis na pangaabuso at panglulupig
Mula sa mga dayuhang manlulupig.


Ito ang nag udyok sa isang natatanging himagsikan,
Na nagpalaya mula sa impluwensya at panlilinlang ng mga dayuhan.


Kaya sa mga kabataan,
Ating tunay na pahalagahan
Ang sakripisyong itinaya ng mga dakila
Matamasa lang ang tunay na kalayaan at kagalakan.


Sanay taas noo tayong ibandira ang watawat ng pilipinas,
Na may buong pagmamalaki at pasasalamat.


Kung kaya't marami man ang nagbuwis ng buhay,
At mga kinabukasang natuldukan,
Ang ala-ala at kalayaan na ipinagkaloob nila sa bayan
Ay buong buhay na maaalala at mamumutawi sa puso't sa isipan na ibinabandira sa timog silangan.


Ako ay nagagalak na magsumite ng aking katha patungkol sa ating natatanging Watawat ng Pilipinas. Salamat @jassennessaj sa pagpili mo sa temang ito. Pagpalain tayong lahat at Mabuhay ka.

Sort:  

wow isang tula para sa mga kabataang Pilipino
maraming salamat po sa pagsali
good luck

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 95511.18
ETH 3313.19
USDT 1.00
SBD 3.30