Word Poetry Challenge #9 : Maskara

in #wordchallenge6 years ago

"Maskara"

tumblr_naoy7jz6kq1sxnfcxo1_1280.jpg
Image Source

Ako'y nahulog sa pag iisip nang "maskara" ay aking mabasa,
Tila mundo ay nayanig anong istorya ang bagay nga ba?
Galak, pighati o pag ibig, ano ba ang mas maganda?
Ginoong @jassennassej aba! Sadyang kay gandang ideya.

Unang naisip ko, ilarawan ang sarili ko.
Pagkat talagang ito, ang iimahe sa pagkatao ko.
Ngunit isang iglap, naiba ang turan ng kanang kamay ko,
Nais kong ibigay tula na 'to sa nag iisang hari ng mundo ko.

May tao akong nakilala, walang bahid ng problema.
Lungkot ay wala sa kilos nya, tila perpekto ang buhay nya.
Ako'y napahanga sa kanyang aspetong kakaiba,
Siya'y rebultong maligaya na walang luha sa mata.

Bawat salitang bitiwan, talagang mapapatawa ka.
Kahit sa korni niyang kagiliwan mamimilit ka sa ligaya.
Paligid ko'y kay ganda tuwing nasa paligid siya,
Walang humpay na ligaya huwag na sanang matapos pa.

Pagod sa pag aaruga sa nag iisa niyang pamilya,
Ngunit sa kanya'y di nawala ang nakasanayang pagpapatawa.
Hirap na dinaranas 'di mabatid mula sakanya,
Ako'y pinagpala pagkat saki'y ipinagkaloob siya.

Ako'y nagising sa isang masamang bangungot.
Mundo ko'y dumilim, nabalot ng lungkot.
Pilit hinahanap yung taong laging nagpapahalakhak,
Ngunit kahit anong hagilap siya'y inilalayo ng ulap.

Di nagmula sakanya ngunit naggaling sa iba,
Mga hirap at pagod niya na inalay para sa iba.
Patitiis at hinagpis na lahat tiniis niya,
Ako'y nagtataka bakit lahat iyon ay 'di ko nakita?

Ako ba'y naging bulag sa na natatangi lang sakanya?
Bakit walang daing na narinig mula sakanya?
Ako ba'y sadyang manhid? Puro tanong ko ay bakit?
Puso'y dinurog paulit ulit sa dinanas niyang aking naririnig.

Ama bakit sa amin ay di ka nagsabi?
Sa bawat pawis mo'y may nagawa man lamang kami!
Lahat ng pagdurusang tiniis mo sana'y nasuklian manlang namin..
Bakit pilit kang nagtago sa likod ng maskarang nasa harap namin..

Mundo'y kay saya para sa ating mga mata,
Ngunit may mga bagay na kailangan madama.
Hindi lahat ng ngiti sa likod ay ligaya,
Pagkat may mga natatagong kailangang pakinggan pa.

Alay kong tula na ito'y para sa mga ama,
Silang mga magiting na tila walang problema.
Sana'y mapakinggan mga tinatagong daing nila,
Pagkat di natin mawawari sila'y nakatago sa maskara.

Maskarang malakas, nakangiti at masigla,
Sa loob ay hirap, lungkot at pagdurusa.
Di man natin maipakita na naaaninag natin ang tunay na sila,
Sana'y mapasok mundo nila hangga't pagkakatao'y nasa atin pa.

Maskara'y maliit na bagay ngunit kay laki ng ugnay,
Ugnay sa mga tao may hindi nakikita sa pamumuhay.
Sumasalamin hindi lamang sa sarili nating pagkatao,
Ngunit sa lahat ng nararamdamang pilit ikinukubli sa mundo.

~~~~0o0~~~~

Maraming salamat sa panibagong pagkakataon Ginoong @jassennassej! Tunay na makahulugan ang ibinigay mong paksa, natapat namang ako'y bumisita sa aking butihing ama. Ngayo'y iniisip ko siya't ako'y nangungulila nang biglang mabasa itong patimpalak. Pumasok nalang nang di sinasadya itong mga salita.

Thank you for dropping by!

~ Yhien <3

I am a proud supporter of these awesome communities;
@steemitpowerupph @steemitfamilyph @teardrops @steemph @steemph.manila @gratefulvibes #steemitachievers @steemschool @steemgigger @ulogs @steemitdora @bayanihan

Share some love and let's support our boy @surpassinggoogle by voting him as witness.

NEIHY05 FOOTER.jpg

Sort:  

a very good poem full of emotion and makes you think....I like it

Glad you liked it @bellaibiza! Thank you for dropping by! <3

Masks are very realistic .... because we all sometimes have to wear our mask in life

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by neihy05 from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

wow , daming hugot!!! hindi pa ko makaisip ng entry ko :)

Hahaha! Biglaan lang din po.

Maayos po ang pagkakagawa! Maraming salamat sa pagsali! Goodluck Ma’am. 😊

Maraming salamat Ginoong @oscargabat! Lubos na nakagagalak ang iyong pag bisita. <3

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 64036.76
ETH 2647.26
USDT 1.00
SBD 2.78