Word Poetry Challenge #8 : Tagpuan

IMG_20180622_074736-01.jpeg

"TAGPUAN"

Nakahiga ako sa may dalampasigan.
Ikaw nama'y naka upo na aking pinagmasdan.
Masaya tayo sa simpleng kwentohan.
Tumatawa kahit ito'y puro kalokohan.

Ito ang ginawa nating tagpuan.
Tahimik at walang gaanong tao dumadaan.
Masarap din ang ihip ng hangin sa hapon.
Nakakalibang tingnan ang mga ibon.

Wala pa dating telopono sa panahon noon.
Kaya kapag wala ng gagawin naghihintayan na tayo doon.
Hindi na natin hinahanap ang isa't isa.
Kasi sigurado naman na tayo doon magkikita.

Ngunit nagdesisyon kang pumunta sa Maynila.
Sa mga sabi nila na doon daw ay napakaganda.
Hindi muna binigyan ng halaga.
Tagpuan natin ay parang nilimot muna.

Kaya ako'y nakatambay ditong mag-isa.
Ngumingiti at naglilibang kahit wala ka.
Iniisip nalang ang panahon nating dalawa.
Masayang masaya na akala mo'y hindi tinatablan ng problema.

Isang beses ng pumunta ako sa tagpuan natin.
Nakita kitang napakalayo ang tingin.
Agad akong lumapit para ipagtapat na mahal pa rin kita.
Ngunit lumingon ka at biglang napaluha.

Ang relasyon natin ay impossible ng mangyari pa.
Umuwi ka sa atin dahil buntis kana.
Kaklase mo ang ama ng batang iyong dinadala.
At ayaw mong tanggapin kita dahil ako sayo'y naawa.

Noong wala ng tao umiyak nalang ako.
Ang nararamdam ko ay itinapon mo.
Tagpuan natin ay wala ng importansya sayo.
Umpisa na rin siguro na ang dalampasigan ay lisanin ko.

Sort:  

Nakakamangha ang iyong gawa @mrnightmare89, masayang alala at malungkot na pagkikitang muli sa inyong tagpuan. Salamat sa iyong lahok sana manalo ka.😊

hehe sana nga pero hindi naman ako umaasa, ang sa akin lang ay may makabasa sa mga hilig ko pero hindi ko rin itinatangi na gusto kong manalo. salamat sa oras mo sa pagbasa

Karangalan ko,patuloy lang sa pagsulat at sundin ang pasyon mo sa pagsusulat.😊

Magaling ka talaga pagdating sa tula! Panalo to.

harsh mo ah, sa tula lang ba..sa article din nman kahit papano pero yun ay aking akala..akala lang.haha

hala dumami na ang boto sa tula ko..hehe

Sabi ko sau panalo tong tula mo eh.

hindi kasi napansin dati eh, gawa ako ng bago..pangalawang entry

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65359.95
ETH 3492.90
USDT 1.00
SBD 2.51