Word Poetry Challenge #7 : Simbahan
"Simbahan"
Ilang siglo naba ang dumaan.
Ng itayo ito ng ating kaninunoan.
Establisementong ginaya sa tahanan.
Ngunit malaki at maraming upoan.
Dito ka nanampalataya.
Nagkumpisal 'pag ikaw'y nagkasala.
Dito rin isinaad na pag-ibig ay wagas.
Kahit ilan pang dumating na bukas.
Sa establisementong ito.
Anak mo'y pinakilala sa mundo.
Benindisyonan sa tubig na sagrado.
Pari, ang tawag kay Ginoo.
Kung dito ka lubos na lumigaya.
Dito rin ang iyong walang tigil na pag luha.
Sa simbahang ito dinasalan si Itay.
Na para bang sya lang ay humimlay.
Pero palagi ka pa ring pumupunta.
Kasama ang pamilyang nagsasamba.
Dahil napapanatag ang iyong isipan.
Kung may problemang nararanasan.
Sanay nasiyahan po kayo kahit kunti at nalibang. Maraming salamat po.