Word Poetry Challenge #24 : "Pamilya"

pinagkunan

"PAMILYA"

Namulat sa mundo na kasama sila.
Hindi man mayaman ngunit kami ay masaya.
Marami man kaming mga problema.
Ang ngiti ay hindi nawawala.

Nang tumanda ako ay pumanaw si Itay.
Naging malungkotin na si Inay.
Lalo na noong nag-aalisan ang mga kapatid ko sa bahay.
Kailangan kasi'ng makipagsapalaran at maghanapbuhay.

Nagkawatak-watak na ang aming pamilya.
Wala na ang kwentuhan habang kumakain sa misa.
Sila'ng lahat ay umalis para magtrabaho.
Ako ang bunso kaya naiiwan pa dito.

Pero may panahon na gusto ko ng umalis.
Kasi ang ikot ng mundo ay napakabilis.
Paano na ang kinabukasan ko.
Wala pa ako'ng sarili'ng pamilya na nabuo.

Masakit kasi sa dibdib sa t'wing nakikita ko si Inay na nag-iisa.
Alam ko sa tahimik ay umiiyak sya.
Hindi na kasi nya nakikita ang aming mga mukha.
Tanging boses ko nalang sakanya ay nagpapaligaya.

Buti nalang dumating ang kapaskohan.
Sila'ng lahat ay mag uuwian.
Maririnig na naman ni Inay ang aming mga tawa.
At mararamdaman ang tamis kasama ang mahal na pamilya.

Salamat sa pagbasa

Posted using Partiko Android

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63725.17
ETH 2619.74
USDT 1.00
SBD 2.82