Word Poetry Challenge #19 : Ulan (opisyal na entry ko, mali yong isa hi di ko maedit.

pinagkunan

"ULAN"
Dumidilim ang kalangitan.
Malungkot ang nararamdaman.
Nangangarap na andito ka sa tabi.
Buhayin muli ang nakabaon na ngiti.

Ngunit pangarap na lang pala.
Ang presensya mo'y pagmamay-ari na ng iba.
Kahit ilang ulan na pumatak.
Hindi kana pwede'ng mahatak.

Sadyang hindi ko lang makalimutan.
Nakatatak na sa aking isipan.
Ang mga ginuhit natin'g tawanan.
Sa oras na bubuhos ang ulan.

Nagkataon pa na kayo'y aking nasulyapan.
Habang sumisilong sa may tindahan.
Hinihintay na tumigil ang ulan.
Pero hindi ko na nakayanan ang inyong lambingan.

Binasa ko na ang sarili ko sa malakas na ulan.
Umiyak dahil mga luha ko nama'y matatakpan.
Naglalakad sa daan ng walang patutungohan.
Ilabas ang sakit nararanasan.

Sige ulan lakasan mo pa.
Ipagpatuloy ko ang aking pagluha.
Itago mo ako para wala'ng makakakita.
Baka iisipin nila na ako lang ay tumatawa.

Salamat sa pagbasa

Posted using Partiko Android

Sort:  

Astig na astig boss! :)

salamat boss, sana makatsamba naman.hehe

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 61191.20
ETH 2972.28
USDT 1.00
SBD 3.48