Word Poetry Challenge #17 : "Guro"
"GURO"
Ikaw ay hindi aking ina.
Pero nirerespeto kita katulad nya.
Hindi man ikaw ang unang nakikita.
Ngunit isa ka sa dahilan ng maayos kong pananalita.
Oo, trabaho mo ang ako ay turoan.
At sa aking pangarap ako ay gabayan.
Patawad kong ang luha mo ay pumapatak.
Kapag 'di ako nakikinig kahit ikaw ay nagtatalak.
Masaya ka nang nakasoot ako ng toga.
Ramdam ko ang lungkot sa'yong mga mata.
Bulakbol man ako sa'king pag-aaral.
Ako sa iyo ay napapamahal.
Nagtapos na ako sa kolehiyo.
Lalong lumungkot ang mukha mo.
Alam mong sasabak na ako sa tunay na mundo.
At nag-aalala ka'ng mawawala kana dito sa aking puso.
Lumipas ang mahabang panahon.
Napansin kong nagtuturo ka pa rin doon.
Ang mabait at maganda kong guro.
Tumanda man ay hindi pa rin nagbabago.
Mahal na mahal mo pa rin ang pagtuturo.
Ang iyong mga ngiti ay nakikita dito.
May mga bata man na pilyo.
Sila ay hindi nilulubayan mo.
Kasabay sa pagtanggap ko ng trabaho.
Ay ang pagreretiro mo.
Ganoon pa man ay hindi kita malilimutan.
Ang mga paalala mong sa amin ay iniwan.
Salamat sa pagbasa
Sobrang ganda @mrnightmare89 👍 Keep it up po.
salamuch..mga komento na ganito kaya ako nagsusulat kahit walamg haanong natatanggap.hehe
Posted using Partiko Android
Agree. 👍
Hanep kabayan. Ito'y napakaastig :). Maraming salamat sa iyong lahok.
maraming salamat boss
Posted using Partiko Android