Word Poetry Challenge #15 : "Pagbabalik"

image .
pinagkunan

"Pagbabalik"

Ngiting para habang buhay.
Sarili sa'yo na iniaalay.
Ikaw na ginuhit sa pangarap.
Kasiyahan ko'y sayo lang mahanap.

Ngunit ang daan biglang lumiko.
Ang pag-asa pinalitan ng pagkabigo.
iniwan mo akong nag-iisa.
Mundo ko'y hinayaan mong lumoha.

Nagbabalak akong pigilin ka.
Baka desisyon mo ay mag-iba.
Sa mga masasaya nating alaala.
Iyon ay hahawakan mo pa.

Hindi ko na mahanap ang iyong presensya.
Ilang beses akong umaasa.
Hindi na mabilang ang mga araw na nagdaan.
Sa paghihintay ko sa mundo ng kawalan.

Kahit anong iyak ay gagawin ko.
Para ang puso kong naghihinagpis ay balikan mo.
Kakalimutan ko ang mga sakripisyo.
Makita ka lang ulit ako ay kontento.

Patuloy akong umaasa sa'yong pagbabalik.
Hindi ko iintindihin kahit ako'y nangulila sa'yong mga halik.
Ang mahalaga ay ang makapiling ka.
Ibalik ang ngiti sa ating mga mukha.

Salamat sa pagbasa.

image

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63315.26
ETH 2668.31
USDT 1.00
SBD 2.79