Word Poetry Challenge #12 : "KALAYAAN"
Larawan ito ng kaibigan ko, mga ilang linggo isinama ko sya sa ulog ko at sabi ko na ngumingiti na sya dahil naka move on na. Paganda ng paganda kaya sya ang modelo ko sa tula kong ito at para sakanya to. This time hindi na malungkot.hehe
"KALAYAAN"
Ilang linggo naba ang dumaan,
Ng lumapit ka sa'king luhaan.
Nagpapayo sa'yong nararanasan.
Hindi malaman ang nararamdaman.
Nagulat ako ngayon sa'yong tawa.
Sinigaw mo sa mundo ang ligaya.
Lumakad sa daan ay kaya muna.
Halatang ikaw na ay malaya.
Ganyan pala ang palatandaan.
'Pag nahanap muna ang kalayaan.
Lahat ay pwede mo ng iwasan.
Kahit may nakaharang man sa daan.
Nakakakilos kana ng maayos.
Wala ka ng iniintinding utos.
Hindi kana nag-alala sa sakit.
Kasi wala ka ng hinanakit.
Hindi kana nakakulong sa kahapon.
Hawak muna sa kamay ang panahon.
Marami ka ng oras sa'yong sarili.
Dahil wala kana ngayong kahati.
Kaya lumipad ka kahit walang dahilan.
Gawin mo kung ano ang 'yong kagustohan.
Walang ibang may hawak nyan.
Ikaw lang at huwag mong kalimutan.
Salamat sa pagbasa.
Ang galing. :)
talaga po, maraming salamat sa pagbasa.
My two cents: Kasi need lang kaunting adjustments sa tula, hindi ako magki-critique...
Pakiwasan ang sa'yong na nakadikit sila: "sa 'yong" mas mainam.
Pakiwasan ang nakadikit na naba: "na ba" ang paggamit nito.
Puwede or Pwede (variance)
Pakiwasan ang nakadikit na kana: "ka na " ang paggamit nito
Kagustohan: "kagustuhan" ang tama ispeling sa Filipino.
Paggamit ng nyan = spell out na lang"niyan" or n'yan"
Paggamit ng NG at NANG
NG - related sa object
Gusto ko kumain NG prutas.
NANG - action verb
Nang na gamit:
ng lumapit = NANG lumapit
Lahat ay pwede mo ng iwasan. = Lahat ay pwede mo NANG iwasan.
Honorable mention:
'Pag nahanap muna ang kalayaan. = 'Pag nahanap MO NA ang kalayaan.
at iba pa.
ok salamat po
Posted using Partiko Android