Word Poetry Challenge #8 : Tagpuan

IMG_20180626_204005-01.jpeg

"TAGPUAN"

Kaibigan, anong balita naba?
Dito kami nakatambay kaya naalala kita.
At alam mo bang nag-iinuman kami ngayon?
Parang katulad lang kahapon.

Nakatawa habang nagbibiruan.
Nakaupo, nakatayo sa ating tagpuan.
Kasama ng mga barkada natin.
Si Loloy, Opaw, Tatang at Ken.

Noon dito tayo umiiyak at tumatawa.
Yong tipong ikaw ay malaya.
Umalis ka kasi pinagalitan ng iyong ina.
Kami naman gumala para maka iwas sa utos ni ama.

Ang saya natin noon diba?
Kakalimutan lang natin ang problema.
Kahit umiiyak si Loloy kasi kasintahan nya nag hanap ng iba.
Sabi pa nga nya sa atin, "hayop sya".

Patuloy tayong nagtatawanan.
Para ang sakit ay makalimutan.
At sya ang sentro ng usapan.
Dahil ayaw nating may nalulungkot na kaibigan.

Humupa din ang luha nya sa pag-uwi.
Kaya natapos ang gabi ng tropa na nakangiti.
Pero isang gabing ikaw'y nagpapaiwan.
Sabi mo may gusto ka lang iyakan.

Hindi ka kasi namin mapilit.
Marunong ka magdala ng hinanakit.
Hindi mapansin na ikaw'y may nadarama.
Parang 'di ka nalulungkot dahil kaw ang naguumpisang magpatawa.

Ngunit mali ang aming iniisip.
Luha mo pala'y ipanapadaloy 'pag hangin ay umiihip.
Kapag wala na kami inalalabas muna lahat.
Tingin mo kasi nawawala na 'pag araw ay sumisikat.

Kaya kaming lahat ay nabigla.
Nalaman nalang namin na ika'y nawala.
Huling kita na pala natin 'yon sa ating tagpuan.
May balak kana palang kami ay iyong iwan.

Hindi muna nakayanan ang problema.
Sa trabaho at sa iyong pamilya.
Kaya natagpuan nalang namin na ikaw ay nakahandosay.
Sa tagpuan natin na wala ng buhay.

Kaibigan bakit mo to nagawa.
Andito kami ngayon nagluluksa.
Kung dito man nagumpisa lahat ng storya.
'Wag kang mag alala hindi namin tataposin kahit ikaw'y wala.

Palagi kaming magbibigay sayo ng upoan.
At may isang baso sa iyo lang ilalaan.
Lumipas man ang taon at kami tatanda.
Tagpuan natin ay nakatatak na sa aming alaala.

Sanay nalibang kayo.

Cherry Mobile flare j3 lite

Sort:  

Sa trabaho at sa iyong pamilya

I periodically make up my blog posts with TOP quotes. I really want to add this.

what do you mean?I dont get it..what do you want?

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 66937.30
ETH 3518.81
USDT 1.00
SBD 3.20