Word Poetry Challenge #10 : Pangarap

Screenshot_20180626-110950-02.jpeg
photo credit: SOLA app

"PANGARAP"

Katayoan natin sa buhay ay iba.
Mahirap ako, ngunit mayaman ka.
Hindi daw tayo bagay sa isa't isa.
Dahil wala daw'ng katulad ang 'yong ganda.

Masama bang gawin kang pangarap?
Kahit walang kasiguradohan sa hinaharap.
'Yong tipong para kang nasa alapaap.
Hinahabol kahit ikaw ay mailap.

Siguro mali na mahalin kita.
Ngunit mas mali kung bibitawan ka.
Kaya patuloy pa rin akong aasa.
At sa pagsubok ay hindi ako magalala.

Oo, araw ka at buwan ako.
Tayo'y tinadhana na ipaglayo.
Pero ang 'di natitibag na pangarap ko.
Ang magtutulak na tayo'y ipagtagpo.

Habang buhay kitang hihintayin.
Araw gabi kitang papangarapin.
Kahit sa pangarap lang din.
Masasabi kong ika'y magiging akin.

Salamat sa pagbasa.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 60968.19
ETH 2367.91
USDT 1.00
SBD 2.56