Word Poetry Challenge #8 : Tagpuan

in #wordchallenge6 years ago (edited)

"Tagpuan"

Nang aking balikan ang lahat sa ala-ala
Sa simula ng tayo'y nagkakilala
Bumungad sa loob ko at kusang nagpa-alala
Tagpuan na naging saksi ng ating simula


Di lubos maisip kung anong kadahilanan
Kung bakit dito pa ang naging tagpuan
Subalit saksi man itong simbahan
Sa bawat oras na ating pinagsamahan


Dito una nating naibahagi
Kwento nang ating pag-ibig na maluwalhati
Sa bawat pagkikita natin, kilig na may kasamang ngiti
Saya ng pusong nananabik na di mawari


Nang siyang tadhana na ang nagsalita
Wari'y di man sinasadya
Tagpuan ang simula, ay siya rin'g nakatadhana
Dalawang puso ay mag-iisa at mailathala


Noong tayo'y humarap sa altar ng simbahan
Nangangako at buong pusong nagsumpaan
Nangangarap na sana'y walang hanggan
Ikaw at Ako magsasama magpakailan paman


Maraming salamat sa paglaan ng kunting oras sa pagbasa ng aking orihinal na likha. Ang akdang ito ay ilalahok ko po para sa patimpalak na gawa ni Ginoong @jassennessaj.
Sana po ay nagustuhan ninyo ang aking nagawang tula.

Sort:  

Gudluck sa iyong lahok kabayan. Patuloy lng tayo sa pagsulat.😊

Tama po @blessedsteemer, ipagpatuloy lang natin ang ating nasimulan sapagkat ito naman ang nagbigay galak sa ating mga puso at nkapag pasigla naman ang bawat kwento.
Gayun man salamat sa iyo Ginoong @jassennessaj sa bawat patimpalak, at kami ay nagagalak.

Ka cute. Hahahahaha salamat! 😁

Nangangarap na sana'y walang hanggan
Ikaw at Ako magsasama magpakailan paman

Napakalalim, kaysarap isipin. Mga katagang nagpagimbal sa'king damdamin. Tunay na kahanga-hanga @mhelrose. Nawa'y palarin kang manalo sa patimpalak na ito :)

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65359.95
ETH 3492.90
USDT 1.00
SBD 2.51