Word Poetry Challenge #7 : Simbahan

in #wordchallenge6 years ago (edited)

"Simbahan"


Isang strakturang buong pusong itinayo
Di hamak na mga mamamayan ang bumubuo nito
Kahit saan mang sulok ng Globo
kitang-kitang matatayog ang kinatatayuan nito

Bawat hampas ng kampana ay tutunog
Naglalayong marinig ng mga pusong kumakabog-kabog
Ingay na dulot sa taynga'y dumadagundog
Upang sangkatauhan ay siyang dudulog


Dito sa bansang pilipinas na aking pinagmulan
Buong pgkatao ko aking nasilayan
Ibat-ibang relihiyon at simbahan
Ngunit isa ang tuntunin at pinaniniwalaan


Bagkos ibat-ibang klasi ang pamamaraan
Isa lamang ang layunin at patutunguhan
Kundi maiparating ang nararamdaman
Ng bawat pusong ibat-iba ang nilalaman


Bawat paniniwala ng sangkatauhan
Siyang nagbibigay liwanag ng sanlibutan
Ano mang Lahi, kulay at katayuan
Ay siyang bukas sa loob ng simbahan


Ilang siglo man ang dumaan o lilipas
Ilang generasyon man ay malalagas
Ilang bagyo man o lindol ay hahampas
Sa kabila ng lahat, ito'y nananatiling puno ng tibay at lakas


Maraming salamat sa paglaan ng kunting oras sa pagbasa ng aking orihinal na likha. Ang akdang ito ay ilalahok ko para sa ikapitong edisyon sa patimpalak na gawa ni Ginoong @jassennessaj.
Sana po ay nagustuhan ninyo ang aking nagawang tula.

Hanggang sa susunod na edisyon!

Sort:  

Naglalayong marinig ng mga pusong kumakabog-kabog.

Napakagandang tula. Maraming salamat po @mhelrose sa iyong nagawang tula. Pagpalain ka sanang manalo. Good luck!

salamat sa iyong kunting panahon sa pagbasa @amayphin

Magandang araw sa inyo Ginoong @jassennessaj. Salamat at sa linyang iyan ay may talagang tumatagos sa inyong isipan.hehehe

Hihi. Mangyaring ano po ba ang ibig sabihin mo sa komentong iyan @mhelrose?

wala naman po Ginoong @jassennessaj. talagang ako lang ay nasiyahan sapagkat sa aking nagawang tula ay may tumatak sa isipan ng punong hurado. hihi

Haha! Ako'y lubos na nagpapasalamat sa iyong namamanghang obra @mhelrose.

woaaaahh! nice one te! yeeee!

ipagpatuloy mo po sana ang iyong pagsali sa patimpalak na ito 😁

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 62559.43
ETH 3092.10
USDT 1.00
SBD 3.86