Word Poetry Challenge #11 : Pagsubok

in #wordchallenge6 years ago (edited)

"Pagsubok"

Namulat sa isang malaking pamilya
Naging masaya di man salat sa pera
Si Ama, Ina lahat kami magkakasama
Ginawa lahat sa abot ng makakaya


Sa bawat salo-salo sa hapagkainan
Mistulang palingke sa kaingayan
Tila ba may pinag-aagawan
Kung sino lang pala ang maghuhugas ng pinggan

Sadyang kay sarap ang tamis sa bawat tawa
Na tila ba walang hanggang saya
Subalit sadyang tadhana ay biglang naiba
Ang halakhak na tawa, nag mistulang dugo na luha


Nagising isang araw na tila puro kadiliman
Nakitang Si Ama't Ina'y ikaw ay hinawakan
Humahagolgol sa sakit na di maiwasan
Nang makitang nakaratay kana sa higaan


Kinuha kana niya at kami iniwang tuluyan
Ginawa man ang lahat pero di kana lumaban
Sadyang magkahalong galit at sakit ang nararamdaman
Sana naman ika'y lumaban kay kamatayan


Nang minsan naitanong sa diyos
Bakit? bakit siya pa na mahal naming lubos
Anong pagkakamali't kadahilanan ng luha'y umaagos
Pagsubok na ito'y sadyang kay hirap, sa puso'y tumatagos


Kay hirap simulan ang pagbangon
Sana naging masaya ka, saan ka man naroroon
Huwag kang mag-alala, pilit kaming babangon
Pagnaa-alala kay punong- puno pa rin ng emosyon


Sa bawat araw o ilang siglo man ang dumaan
Gitara mo ang aming pinanghahawakan
Instrumentong ito sayo'y naging makabuluhan
Mananatili ka sa puso namin magpakailan man.


Magandang araw pa sa inyong lahat. Narito na naman po ako sa ika labing isang edisyon sa patimpalak na gawa ni Ginoong @jassennessaj. Sana po ay nagustuhan ninyo ang aking orihinal na likha.

Hanggang sa muling pagbabasa!

Sort:  

wag magpahuli sa kainan,
siguradong ikaw ang maghuhugas ng pinggan.
tunay ngang napakalungkot pag may nang-iwan,
mga ala-alang sila'y kasama
mga panahong andyan sila sa lungkot at ligaya.

Damang dama ko ang kalungkutan. Suguradong masaya na xa sa kalangitan kasama ang Poong Maykapal. Labanan natin bawat pagsubok na dumaan, may rason lahat na balang araw atin ding maiintindihan.

Ganoon na nga @chameh, kung minsan lang hindi man naiintindahan, may mga katanungan man na wala pang kasagotan. Tanging ang panginoon lang ang nkakaalam kung ano ang kahihinat.an. Lahat ng ito'y pagsubok lang.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63004.58
ETH 2548.62
USDT 1.00
SBD 2.81