Word Poetry Challenge #10 : Pangarap
Pinangarap kita at ika'y ipinagkaloob niya
Pinagdasal na mapagkalooban kagaya ng iba
Di man naging madali nang dumating ka
Pero di nito maitago, pusong sumasayaw sa saya
Nang dumating ka sa buhay ko
Biglang nag-iba ang ikot ng mundo ko
Naging makulay ang lahat ng sulok nito
Sapagkat binago mo pati ang pagiging ako
Ngayong nandito ka munting anghel ko
Sa'yo umiikot mundo't pangarap ko
Ninais mapagtagumpayan ang bawat araw ng buhay ko
Nang sa ganoon maibigay ang magandang bukas para sa'yo
Di man ako salat sa yaman ng salapi
Bukod tanging mga palad ko ma'y nka marka'ng hapdi
Hahamakin lahat para sayo'y sakit maiwaksi
Katuparan ng pangarap ko sayo'y di masasawi
Oras at Araw man ay kay bilis at naging kahapon
Kulang man sa atin ang buong maghapon
Pero ako ay palaging nkatutok sayo't nakatoon
Bagay na aking maipagmalaki hanggang ngayon
Naging parti na ng kahapon na ika'y aking pinangarap
Naging parti naman ng ngayon na ika'y aking kaharap
Gayunman sana sa iyong bukas at hinaharap
Kasama mo ako na iyong ina, sa iyong mga pangarap
Mga mahal kung mga mambabasa, heto na naman po ako sa aking original na akda, entry sa patimpalak ni Ginoong @jassennessaj. Sana po ay magustuhan ninyo.
Hanggang sa muli!
Naantig ako sa linyang iyan. Hindi man pareho sa iyong talambuhay (ang tula na para sa iyong mumunting anak), masasabi kong naging kapana-panabik na pagsubok na nais "mapagtagumpayan ang bawat araw ng buhay ko" nung ako'y nagkolehiyo.
Naging mahirap ang takbo ng buhay. Ngunit nangingibabaw ang determinasyon na makamit ang rurok ng tagumpay. Hindi naging madali, ngunit ngayon ito'y abot kamay ko na (ang aking pangarap).
Maraming salamat sa patuloy na paglahok at pagsuporta sa #wordchallenge! Nawa'y marami pa ang sumali sa inyong komunidad.