Word Poetry Challenge #2 : "Huling Sayaw"

in #wordchallenge6 years ago

IMG_20180517_133332.jpg

HULING SAYAW

ni: @llivrazav

Sa ilalim ng mga tala sa kalangitan,
kasabay ng mga dahong sumasayaw
sa kapatagan,
kasama ang mga alitaptap na lumilipad at kumikinang,
napakasayang pakiramdam!
na parang ang sansinukoban
ay umaayon sa ating pagmamahalan.
Na parang ang buong kalangitan,
ay naka dungaw satin habang ang mga puso'y nagsasayawan.

Pinapahinga ang iyong mga braso sa mga balikat ko.
Habang nakayakap ang aking mga kamay sa bewang mo.
Ang tahimik na gabi
ang nagsilbing musika ng ating mga puso.
Kasabay ng pagaspas ng mga dahon
ay sumasayaw din tayo.
Marahang hinahakbang ang kaliwa at kanan,
sumasabay sa tugtog ng hangin sa damohan
habang ang mga mata natin ay nagtititigan.

At habang ang iyong mata ay aking tinitingnan.
Imbes na tuwa ang shang maramdaman,
luha ang tumulo mula sayong mga mata patungo sa lupang kitatayuan.
Umiiyak ka,
at habang umiiyak ka
ay naglalaro sa isipan ang pinagdaanan nating dalawa.
Lahat ng saya ng tuwa at ating mga tawa,
lahat ng mga problema na nilampasan nating dalawa,
lahat ng panghuhusga ay ating kinaya.

Patuloy ang ating pagkumpas sa tugtog ng gabi,
at patuloy ang pag-alala sa mga nangyari.
At habang tahimik ang gabi,
isang salita ang nagmula sa iyong labi.
"Paalam" ang iyong sinabi.
Sumusuko ka na?
Sumuko ka na!
Bukas pag dilat ng aking mga mata
ay wala ka na.

Sa ilalim ng mga tala sa kalangitan,
kasabay ng mga dahong sumasayaw
sa kapatagan,
kasama ang mga alitaptap na lumilipad at kumikinang.
Sumasayaw tayong dalawa sa kawalan.
At itong gabi ay magmamarka,
dahil itong gabi ay ang huling gabi
na maisasayaw kita.


Ito po ay isang orihinal na tula para sa patimpalak ni ginoong @jassennessaj. maaaring bisitahin ang kanyang *post* para sa karagdagang impormasyon sa patimpalak, mangyaring pindutin ang link (https://busy.org/@jassennessaj/word-poetry-challenge-2-tema-huling-sayaw-or-tagalog-edition)

Sana po ay inyong nagustuhan!

Sort:  

Sa ilalim ng mga tala sa kalangitan,
kasabay ng mga dahong sumasayaw
sa kapatagan,
kasama ang mga alitaptap na lumilipad at kumikinang.
Sumasayaw tayong dalawa sa kawalan.
At itong gabi ay magmamarka,
dahil itong gabi ay ang huling gabi
na maisasayaw kita.

WALANG FOREVER! hahaha kahit last dance nalang talaga ipinagkait pa nya. Hahaha

Goodluck sa patimpalak!

Walang Forever!!!! 😭😭
bat kasi tayo iniiwang nga mga mahal natin. 😭😭
hahaha salamat po sa pagbasa manalo matalo ay ayos lang,
dahil sa tulang ito
ay gumaan ang aking pakiramdam hahaha

Nahugot ka na naman!

@tagalogtrail I choose you

Use "Impromptu Hugot-Beam" kay @llivrazav

BAm! It's super-effective!

hahaha ginawang pokemon..

Hala di lumabas si @tagalogtrail ulit!

@tagalogtrail I choose you!

Use "Bitter Punch!"

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64104.40
ETH 3148.52
USDT 1.00
SBD 4.25