Word-poetry-challenge// " AKING INA "

in #wordchallenge6 years ago

Magandang umaga sa inyong lahat!
Ito nga pala ang aking unang pagpasok sa paligsahang ito ni @jassennessaj,na kung saan ay kailangan gumawa ng tula gamit ang temang "AKING INA"
ginawa ang tulang ito alay sa aking ina nung nakalipas na araw ng mga ina..
images (16).jpegpinagkunan ng imahe

" AKING INA "

Orihinal na likha ni khylled24

Aking ina,mahal kong ina
Sayong pagkawala kami ay nangungulila
Mga alaala mo na sa aming isip ay sumasariwa
Ang iyong kalinga at pag aaruga
Na sa aming puso ay di kilan man mawawala

Sa iyong paglisan ay lubos kaming nag luksa
Di mo man nais kami ay iwan ngunit walang magagawa
Ito siguro'y kaloob ng may kapal kaya ikaw samin ay kinuha
Naiwan kaming mga mahal mo,na ngayo'y ay umaasa
Na sana ikay muling pang mayakap at ngayun ay mahahagkan pa

Salamat sa lahat ng iyong sakripisyo at pag aaruga
Noong kami ay sanggol at musmus pang mga bata
Wala mang yaman sa amin ay naipamana
Ang edukasyon at mga pangaral mo samin ay sapat na
Para samin itoy di matutumbasan ng salapi o pera

Ang maging anak mo,at ina sa amin ay tunay na dakila
Salat man tayo sa buhay sa pagmamahal mo ay sagana
Ang iyong pagsinta sa araw araw ay lubos mong ipinadarama
Na di matutumbasan ng karangyaan ang pagmamahal sa akin at sa buong pamilya

Ngayung araw ng mga ina ako sayo'y may inihanda
Na sana ay iyong maibigan ang nilikha kung tula
Nang pagpapasalamat at labis ko po sa inyong pangungulila
Kahit alam ko kayu ay nasa langit na ay inyo itong makikita
Na habang ginagawa ko itong tula,sa aking mata'y may pumapatak na luha
Maraming salamat po ina,sa ating muling pagkikita

Maraming salamat sa pagbabasa sa ay inyong nagustuhan

DQmUCXDP9Lg1SYa1e8iESrBHBpzFmKkZGdrf81rbn4bw7iM.gif

received_1776846449076722.jpeg

Sort:  

Go here https://steemit.com/@a-a-a to get your post resteemed to over 72,000 followers.

Upvote me please

Upvote me please

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 59126.81
ETH 2514.47
USDT 1.00
SBD 2.46