"Word Poetry Challenge #21 : Kalawakan"

in #wordchallenge5 years ago

"KALAWAKAN"

Sa pagtingin ko sa kalangitan,
Aking napansin ang ganda ng kalawakan,
Kasabay ng mga bituin sa gabi na aking pinagmamasdan,
Nagbibigay liwanag sa sanlibutan.

Mga sasakyang lumilipad sa kalawakan,
Eroplano ang paborito nilang sinasakyan,
Patungo sa mga magagandang pasyalan,
Kasama ang pamilyang puno ng pagmamahalan.

Ang pagmamahal na kasing lawak ng kalawakan,
Di na tumagal pa at humantong sa hilawayan,
Ngayon ay nag-iisa dahil iniwan,
Pag-ibig pala nila ay di pangmatagalan.

Isang batang nangangarap makapunta sa kalawakan,
Sa buhay ay marami ng natutunan,
Palaging nakatingin sa kalangitan na tilang may minamasdan,
Naranasan ang niya pag-ibig ngunit sa huli lungkot ang naramdaman.

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.13
JST 0.032
BTC 61046.72
ETH 2926.11
USDT 1.00
SBD 3.69