Word Poetry Challenge #6 : Aking Ina (Pangalawang Entry)
"Aking Ina"
Aking Ina
Na ako'y inalagaan at inaruga
Simula ng aking pagkabata
Hanggang sa ngayo'y ako ay naging binata
Aking ina na kahit na siya'y may karamdaman
Ay pilit niya paring akong aalagaan
At kahit kailanman
Di ko siya nakitaan na kahit kunting kahinaan
Kahit na siya ay pagod
At sa pawis ay parang nalulunod
Di parin siya tumitigil sa pagkayod
Para kami lang ay kanyang maitaguyod
Aking ina na gumigising lagi ng maaga
Para agahan ko ay kanyang maihanda
Mainiti na gatas ay nakatimpla na
At lahat ng ito'y nakalagay na sa misa
Kulang nalang ang aking pagbangon
Para ako na ay lumamon
Sadyang ang luto ni inay ay masarap*
Sapagkat pagmamahal ang isa sa kanyang pangunahing sangkap
Aking ina na palagi akong pinapaalahan
Na pag-aaral ay dapat inuuna
Sapagkat ito lang ang tanging kayamanan
Na kanyang maipapamana
Minsan pag wala siyang pera
Na pambayad para sa aking matrikula
Siya ay nangnangako sa akin
Na gagawa siya ng paraan para ito'y bayarin
Iyan ang aking ina
Ang anak ay laging inuuna
Pagod niya'y ipagsisintabi muna
Mapagsisilibihan lang kami mauna
Lubos akong nasisiyahan
Na ako'y iyong tunay na inalagaan
Kaya pag nakatapos na ng kolehiyo
Hayaan mong ako naman ang mag-aalaga sayo
Sana'y inyong magustohan ang pangalawang entry ko na orihinal na gawa ko na tula para sa patimpalak ni @jassennsessaj na may temang "Aking Ina". Maraming salamat sa paglaan sa pagbasa ng aking tula at alay ko narin ito sa lahat ng nanay sa mundo. Mabuhay ang tulang tagalog.
Maari niyo ring basahin ang unang entry ko ng tula na "Aking Ina" rin ang tema
Thanks and Godbless
@jumargachomiano