Word Challege #13 " Pilipinas"

in #wordchallenge6 years ago (edited)

imagecredit:google

"Pilipinas"

Isang bansang mayaman
Ngunit hindi ito inaalagaan
Basura dito, basura doon
Kaya baha tayo ay nilalamon,

Ang kalikasan ay luntian
Ngunit hindi kayang pakainin ang sambayanan
Hanggang ngayon umaasa pa rin
Sa butil ng mga dayuhang mapang-alipin!

Ang dagat na dati ay bughaw
Na ang laman minsay umaapaw
Ngunit ngayon unti -unti naging itim
Dahil sa mga taong sakim!

Tingnan nyo ang kabukiran
Ito ay ginawang minahan,
Sa mga negosyanting busabos
At walang pakialam sa ating kinabukasan!

Ang ginto ay nagkalat kahit saan
Bakit hindi parin tayo yumayaman?
Dahil ba ito sa huwad na namumuno
O sa mga taong nabibili ang boto!

Pilipinas perlas ng silangan
Ngunit nangunguna sa kahirapan!
Kurapsyon at droga nga ba ang dahilan?
O sadyang ito lang ang ating kapalaran,

Huwag sana nating sayangin
Mga buhay ng mga bayani na binuhis sa atin
Maangkin lang ang kapayapaan
Mula sa tigreng mga dayuhan!

Halika't tayoy makipagdigma
Isuot ang pulang bandana
Harapin ang pinaka mabangis na kalaban
Walang iba kundi sa ating sarili lamang!

Nagdurugo na ang puso ng ating bayan
Imulat na ang mata sa katotohanan
Pagbabago at disiplina sa sarili umpisahan
Sabay sabay tayo ay sumigaw,

"Pilipino ako! Mahal ko ang bayan ko!"


Ang tula kung ito ay aking kalahok sa #wordchallenge na isang paligsahan sa makata na si @jassennessaj.
Ako ay lubos na nagpapasalamat sa mga isponsor na si @donkeypong at si @surpassinggoogle.

DQmZVUCuxYWHM1s256SJQiwzMgVM6YhmczS5ZjvZHHxvJYw_1680x8400.png

Nagpapasalamat,

@juichi

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by juichi from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 62952.72
ETH 2429.38
USDT 1.00
SBD 2.56