Word Poetry Challenge #2 : Huling Sayaw
Huling sayaw
Nagkakilala sa enteblado,
bawat kong galaw ay iyong sinasalo
sa aking pag-ikot tanaw mo ako,
paghakbang ng isa, yakap mo na pala ako
Lumipas ang panahon, nawala ka na sa piling ko
Iyong mga haplos hinahananap hanap ko
Iyong mga kilos natatandaan ko
Paghawak mo sa aking kamay, nasan na mahal ko
Akala ko sabay tayong iindak,
Iindak kahit tayo’y lagapak
Lagapak sa mga pagsubok sa buhay,
Buhay kong napuno na lamang ng lumbay
Tatatanggapin ko ang sakit,
Tatatanggapin ko lahat ng pait,
Hindi ko alam bakit ko ba sinapit,
Sana hindi nalang pala ako napalapit
Pero alam kong hanggang dito nalang,
Mga tanaw mo’y hanggang panaginip nalang
Tanggap ko na na ikaw ang umayaw,
Hanggang alaala nalang ang ating huling sayaw
Ito ang aking entry sa palahok ni @jassennessaj. Kung gusto mo ring sumali, sundan lang ang link sa baba. 😊
Reminiscing the old love ayiiee though the last dance.
Good luck sa patimpalak!
Wala pong hugot yan sir. Sumunod lang sa tema haha. Salamat po!😊😊