"Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas"
Larawang Kupas
Taon na ang lumipas, oh kay bilis ng oras
Aking mga ngiti sa muka, bakit kaya lumipas
Maraming pinagdaanan noong ika’y kumaripas
Sobrang nagdaramdam nang nagkahiwalay ng landas
Larawang kupas, naririnig lamang noon,
Hindi akalaing magagawan ng tula ngayon
Pagsasamahan nating lumisan,
Sa isang larawan na lamang pala mapagmamasdan
Lahat ng bagay ay nagbabago,
Kumupas na rin ang ating litrato
Masaya ako at nalaman natin ang totoo,
Pagibig nati’y lumisan para hindi na malito
Akala nati’y titigil na ang mundo,
Ngunit may darating palang mas tamang tao,
Na pupuno lahat ng pagkukulang sa buhay na ito,
At tutulong makabuo ng panibagong litrato
Ito ang aking tula sa palahok ni @jassennessaj. Maraming salamat sa paggawa ng palahok na ito. Makakatulong ito upang humasa ang kaisipan ng bawat isa sa paggawa ng tula at paghubog sa naitatagong talento.
Ito ang aking unang pagsali sa mundo ng tula. Nawa’y magustuhan niyo ito.
Kung gusto mo ring sumali sa palahok na ito, sundan lang ang link na ito.
©️ @jassennessaj
Napakagandang tula <3 Good luck!
Maraming salamat!😘
Congratulations @joninacalara! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of upvotes received
Award for the number of upvotes
Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Oo nagustuhan namin sobra, mga linya na tila isang hugot kaya lang bitin hehe saka pwedeng dalawa entry mo. Naipost mo na ba sa comment yung link nito?
Haha salamat sir. Opo sir naipost ko. Sa susunod mas huhusayan ko pa haha😂😅
Hindi kaya magaling ka talaga. Lyamado tayo dito kasi tiga Bulacan at ikaw malapit ka sa Balagtas ang bayan ni Francisco hehe