Word Poetry Challenge #5 : Watawat Ng Pilipinas

in #wordchallenge7 years ago (edited)

Watawat Ng Pilipipinas

orihinal na komposisyon ni @joco0820


http://ffemagazine.com/philippine-independence-day-the-date-debate/


Kataastaasan Kagalanggalangan Katipunan ng mga Anak ng Bayan
Kahulgan ng letrang K na nakaukit sa iyong kulay pulang katawan
Una kang iwinagayway sa Cavite pagkatapos ng madugong labanan
Kung saan nanaig ang iyong bayan laban sa kastila sa Battle of Alapan

Sa iyong muling pagwagayway dugo parin ang iyong kulay
Sumisimbolo sa kagitingan na sa dugo ng bayan mo ay nananalaytay
Sa pamumuno ni Supremo Bonifacio ay muli kang iwinagayway
Pag Iyak ng Pugad Lawin at pagpunit ng cedula ikaw ay itinaas ng sabay

Ngunit kulay mo'y biglang nag iba napalitan ng itim ang kulay mong pula
Bilang pagpupugay kay Hen. Mariano, tinawag kang Bandila ni Llanera
Ginamit at winagayway sa bayan ng San Isidro sa probinsya ng Nueva Ecija
Tinawag ring Bungo ni Llanera dahil sa kulay itim may bungo at dalawang ispada

Tinawag kang Bandila ng Tagumpay at ang kulay moy ibinalik sa pagkapula
Kung saan nakaukit ang walong sinag ng araw sumisimbolo sa walong probinsya
Walong probinsyang nag Martial law sa panahong nananalakay ang mga kastila
Iwinagayway ka bilang simbolo ng kasarinlan dahil mga mananakop napaalis nila

Asul, itim at pula sa unang pagkakataon ang kulay moy naging tatlo, hindi na isa
Si Heneral Gregorio Del Pilar siya ang namuno at siya ang nanguna
Tatlong labanan kasama na ang labanan sa Pasong Tirad ang pinamumunoan niya
Lahat matagumpay kaya iwinagayway at itinaas muli ang dakilang bandila

Mula noon hanggang sa kasalukuyang panahon ang kulay moy naging tatlo na
Asul na nagsisimbolo ng purong kaluwathatian ng iyong matatapang na madla
Kagitingan naman ang sinisimbola ng kulay pula na nasa may bandang ibaba
Puti naman ang sumisimbolo sa pagkadalisay nang bawat tao sa iyong bansa

Sa bawat pag daan ng panahon at bawat pag iba ng iyong porma at kulay
Ikaw ay sumisimbolo sa bawat natatamo naming kalayaan at aming tagumpay
Ikaw ay sumisimbolo sa bawat kasarinlan na natamasa at aming napaisakamay
Dapat lang na isayaw at itaas bandila ng ating bansa ay dapat na iwagayway


Ang tulang ito ay tungkol sa ebulosyon ng ating walatawat, ang watawat ng Pilipinas. Tungkol sa pag iiba nito ng kulay at anyo, simula ng itoy naiwagayway sa Katipunan hanggang sa kasalukuyang panahon. Mula ng itoy kulay pula pa sa panahon ng gyera hanggang sa kasalukuyang panahon.
Sana po nagustohan niya ang tulang ito. Ito po ay ilalahok ko sa paligsahan ng pagsulat ng tula o Word Poetry Challenge na pinangungunahan ni Ginoong @jassennessaj. Maraming Salamat po.
UPVOTE | RESTEEM | FOLLOW

Sort:  

another great poem using this theme... what i loved most is that its is not just poem but also a very informative piece... I actually forgot everything about the banner until you let it all out here

thank you for appreciating themy poem. 😊

Ang masasabi ko lang ay ang ganda @joco0820

salamat sa pag appreciate po :)

Si Heneral Gregorio del Pilar pu ang paborito kong bayani. Ahihihi ang gwapo niya kasi at matapang at matalino at makisig at lahat na! Salamat pu sa pagbanggit sa kanya sa inyong nilikhang tula.

Ling yung Gregorio sa Movie na si Paolo Avelino o yung tunay na Gregorio?

Ahihihi! Binubuko mu aman pu aku Kuya @toto-ph
Indi ku pa nakikita si Paolo Avelino sa totoong buhay. Sana mameet ku siya

hahaha sa movie pala.

hahahha, paano na po si Gat José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda?

Galing mo @joco0820, hands down ako sayo.

mas magaling ka po :)


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

maraming maraming salamat po sa pag bigay ng pansin sa aking akda.
Nakakataba po ng puso. @c-squared
salamat po

Ang pagmamahal sa ating Bansa ay pagiging tapat at paggalang sa ating lahi. Resteem here!

maraming salamat po
nakakataba po ng puso
😊

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.25
JST 0.037
BTC 97331.61
ETH 3443.25
USDT 1.00
SBD 3.05