Word Poetry Challenge #3 : Gintong Medalya
Na kung minsay nakakalikha ako ng mga salaysay
Ukol sa mga bagay na mistulang walang saysay
Napapatanong ako "ano nga ba ang tunay na tagumpay?"
Upang aking maabot ang mithiing alapaap
Sa skwehalay mga medalya ang natatanggap
Upang kahirapa'y di na muling malasap
Sa pagkamit ng naturang misyon
Sa mga teksbook lang ako'y nakatuon
Para sa huli'y sa pagkadukha ay di na mabaon
Sa pamilya ko lamang ito ay laan
Na kung saan ang tanging pamamaraan
Ay ako'y sa araw araw matustusan
Medisina ang aking ginusto at tinungo
Sambit ng iba'y ako daw ay ambisyoso
Ngunit magulang ko ay pursigido at desidido
Upang matustusan ang mga matrikula
Nagka TB ang aking ama
Upang pangarap ay maabot na
Kahit mura at insulto sa aking ina'y natatanggap
Bunsod sa kabundok na utang na di na mahagilap
Di sumuko upang tagumpay ay malasap
Kahit sa araw na iyo'y ama ko'y humimlay na lamang
Pagtatangis nang lungkot at saya ang aking nalinang
Para sa mga naghihingalo ko nang mga magulang
Ang pangarap na aking pinilit
Di ko namalayan ang ina pala'y nagkasakit
Breast at Colon Cancer sa kanya'y nagmamalupit
Stage 4 na nang siyay nagkaroon nang ganito
Akoy nagmakaawa at tumawag ng iba't ibang santo
Ngunit wala na akong nagawa gumuho na si ina-ang aking mundo
Ngunit kaakibat pala nito'y mga taong di na maka-agulapay
Ang lahat ng mga bagay ay mistulang wala nang saysay
Dahil pamilya pala ang tunay na tagumpay
Isang napakagandang araw sa inyo, ako po ay lubos na nagagalak na naman sa bagong patimpalak na ginawa ni @jassennessaj , ito po ang aking akda para sa ikatlong patimpalak sa tagalog na edisyon. Nawa'y naantig ang inyong mga puso sa aking tula.
Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jerylmaeada being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!
Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.
Nakakalungkot naman itong tula mo @jerylmaeada :(
Nakakaiyak :(