"Word Poetry Challenge #12 : Kalayaan"

in #wordchallenge6 years ago (edited)


pinagkunan

border.jpg

Ngiting ubod ng tamis kung pagmasdan…
mga tawang tila puno ng kasiyahan.
Lahat ng tao sa iyo’y sumasamba,
puno ng papuri at paghanga.

Pagtanggap ng lahat ang hinangad.
Pagkakamali ay hindi naging katanggap-tanggap.
Kagustuhan ng iba’y sinusunod
upang sa mata nila’y maging kalugod-lugod.

Kagustuhan ng puso’y isinantabi.
Naging obsesyon ang sasabihin ng nakararami.
Opinyon ng iba ang naging mahalaga,
sunod-sunuran sa bukambibig ng iba.

Gusto lang kitang tanungin…
Bakit mo hinayaang maging alipin?
Sarili ang gumawa ng kulungan,
ipinagdamot ang sariling kalayaan.

Kailan mo mapapagtanto…
Na ikaw ang may hawak ng buhay mo?
Ang tunay na kaligayan ay makakamtan
kung Malaya kang piliin ang tatahaking daan.

Makinig sa opinyon
ngunit huwag hayaang sila ang magdesisyon.
Palayain ang sarili sa pagiging alipin.
Dikta ng puso naman ang sundin.

border.jpg

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem_banner.gif

Sort:  

Very good posts, hopefully a successful brother is always in esteem

Mahirap talaga mag adhere sa standard ni sini-set ng society. Kaya marami sa atin minsan ang nagiging sunod sunuran sa iba, kasi takot tayong mahusgahan. Pero sumasang-ayon ako sa iyo. Kung may gusto ka, ipaglaban mo, kahit sa paningin ng iba, ito ay hindi kaaya-aya. Sobrang nagustuhan ko ang mensahe ng tula mo sis. Naway mas marami pa kaming mabasang akda mo. :)

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Napakahusay ginoong @jemzen

ang ganda ng mensahe nito @jemzem
naalala k oyung mga commercial ng sprite

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.24
JST 0.036
BTC 95282.29
ETH 3279.60
USDT 1.00
SBD 3.07