Word Poetry Challenge #3 : Gintong Medalya

in #wordchallenge6 years ago (edited)

Ang karakter na nasa aking akda ay produkto lamang ng aking imahinasyon naway magagalak kayo sa aking akda.

Gintong Medalya

by : @jembee

InShot_20180522_105649116.jpg

Unang araw sa paaralan
Hangad na ito'y makamtan
Higit pa sa kaibigan at karanasan
Gintong medalya sa katapusan

Gagawin lahat ng makakaya
Para sa huli, abot langit ang saya
Mahirap at mabibigat man ang dala
Titiyakin kong makuha ang gintong tala

Pawis may pumapatak sabay ng luha
Sa hirap ng buhay mukha'y di mahinuha
alam kung di niya ako pababayaan
Puong maykapal lagi akong inaalalayan

Sa aking pagsisikap, ako'y nakapagtapos
Ito na ang araw nang hinanapos
Ng sakit, pagod, at hinanaing
Sa wakas nakita ko na ang bunga ng aking galing

Liwanag ng ilaw sa akin nakatuon
Hawak ni mama sa aking braso ang tugon
Sa paglakad sa entablado ng buhay
Habang ako ay dala dala ni tatay

Bawat hakbang ni itay ay siyang hakbang ko rin
Bawat hakbang ko ay para kay tatay din
Sapagkat simula noon siya na ang aking paa
Mula sa panahong tanging alam ko lang ay "papa?"

Ngayon hawak ko na ang gintong medalya
Sabay sabit ni mama sa aking leeg, kasya
Binaha ang lugar ng luha at tuwa
Sunod ang palakpak at yakap nilang walang sawa

At sa wakas, ito na ang wakas
Panibagong araw para gamitin ang lakas
Ng utak at ng katawan habang nakaupo
Dahil 'di makatayo ang isang lumpo

Ito po ang aking entry sa patimpalak ni @jassennessaj. Kung gusto niyo pong sumali, i click lang ang link na nasa ibaba :

https://steemit.com/wordchallenge/@jassennessaj/word-poetry-challenge-3-tema-gintong-medalya-or-tagalog-edition

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jembee being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Nice!!! May pa disclaimer haha

Ayos yung daloy nung tula ginalingan din. @jazzhero bro mahihirapan ka talaga mamili ng mananalo ngayon.

Salamat kapatid! Ginalingan mo din eh hihi mahihirapan talaga si @jazzhero niyan eh dahil ang raming magagaling.

Sensya na, mahaba lag-time ng summon nyo haha. Magaling ang tula @jembee. Talagang pahirapan po, di ko pa nababasa lahat at unti pa lang pero ang daming magaganda. At hanggang jan lang muna ang kumento ko, haha.

Congrats din pala sa recent curie mo sa guitar tutorial. Good job. At talagang nakita kong full suppor si Kinit :D

Haba ng lagtime hahahahahaha salamat @jazzhero. Talagang full support si kinit sakin hihihi

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 68154.08
ETH 3274.07
USDT 1.00
SBD 2.66