Word Poetry challenge #3 - “Gintong Medalya”

in #wordchallenge6 years ago (edited)


(Imahe ay akin, orihinal at kuha ng Iphone)

Ang gintong medalya ay sadyang mahalaga,
Kung meron ka nito, patunay na magaling ka.
Inaasam-asam, minimithi-mithi at ipinaglalaban pa.
Makamit ka lamang, gintong medalya.
Pagka’t ito raw ay isang susi sa tagumpay,
At siyang magbibigay ng magandang buhay.

Malaking karangalan ang magkaroon ng medalya.
Lalong lalo na kung ito ay isang ginto pa.
Ibig sabihin, mapalad ka dahil ikaw ay nanguna,
Hinahangaan, pinupuri at tinitingala.
Inspirasyon ka maging sa mga bata.
Yan ang naidudulot ng gintong medalya.

Subalit ang masakit na katotohanan, aking kaibigan,
Ang lahat ng bagay ay mayroong hangganan.
Malaking bahay at magarang sasakyan,
Limpak na salapi at iba pang kayamanan,
Pagdating ng araw, ang lahat ng iyan,
Sa ayaw at sa gusto mo ay iyo ring iiwan!

Kaya’t para sa akin, ang tunay na medalya,
Ay yong hindi kumukupas at panghabang buhay na.
Waging-wagi ka kaibigan kung ito ay iyong makakamtan,
Sapagkat ang aking tinutukoy ay ang buhay na walang hanggan,
Ang medalya ng kaligtasan na nagmumula kay Kristo lamang!

Salamat po sa pagdalaw. Ibinibigay ko sa Diyos ang lahat ng kapurihan!

15A02DB1-73B9-4E89-8827-344BC8F2F768.jpeg
♥️@jap60
23 May 2018

B4F8C501-CC86-4619-AEB2-898F3CEA0C43.png
Please continue to support the very selfless @surpassinggoogle as a witness, by voting for him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

4FA62054-3621-4940-B09A-47E135E28DE9.jpeg
(Imahe by @jhunbaniqued)

Sort:  

Wow ang galing naman!!
👍👍👍 ate jane...

Thanks Cathy, trying hard lang ba😊😊

Amen Ate. Labasan na ang tunay na makata.

Ay na, try and try man kanu bareng magasatan.

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.027
BTC 60003.48
ETH 2309.22
USDT 1.00
SBD 2.49