WORDPOETRYCHALLENGE #1LARAWANG KUPAS

in #wordchallenge6 years ago (edited)

Habang binabaybay ko ang bawat alala,
Nitong larawan na iniwan mo sinta,
Hindi mapigil ang pagdaloy ng luha sa mata,
Dahil Ito ang patunay na minsan mo rin akong napasaya,

Habang pinagmamasdan ko ang bawat sulok nito,
Bumabalik sa isipan ang ating mga plano,
Yung pamilyang gusto nating mabuo,
Na ngayon sa iba mo binuo,

Sa pamamagitan nitong lumang larawan,
Aking napagtanto na minsan din akong nagmahal at nasaktan,
Pero bumangon at muling pinatunayan,
Kabila ng iyong pag-iwan ako'y patuloy na nakipagsapalaran,

Ibabalik ko na ito sa kinalalagyan,
Sa loob ng kaban ng nakaraan ,
Hindi na pwedeng balikan,
At handa ko nang talikuran,

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by janesmy081316 being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

huhu wala gyud ko kaapil aning larawang kupas bah pero ok ra hahha btw nice ang imong poem kuya :) makatouch sa heart </3

Loading...

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63036.79
ETH 3067.42
USDT 1.00
SBD 3.82