Word Poetry Challenge #8 : Tagpuan (#1)

in #wordchallenge6 years ago (edited)


Source: Pixabay

Naglalakad habang nagpupumiglas ang aking dibdib.
May takot na nadarama, ang lugar ay naging liblib.
Anong nangyari sa lugar na dati ay nagbigay saya?
Na ngayon ay takot kapag ito ay nakikita.

Di ba naalagaan ang lugar na dati'y ating tagpuan?
Ang tanging masisisi ay mga taong puno ng kasakiman.
Luha ay patuloy na dumadaloy mula sa aking mga mata.
Kapag ang pagkasira ng dating paraiso ay aking nakikita.

Ang dagat na kulay asul, nag-iba na ang kulay.
Masakit sa mga mata habang ako ay sumisilay.
Hanging dumadampay sa akin ay nangangamoy na.
Ang dating malinis na simoy ay maibababalik pa ba?

Wala bang konsensya ang mga gumawa nito?
Mapuno lamang ang bulsa, kalikasan ay nasakripisyo.
Dumating ang sakuna, mga tao ay namayapa.
Dahil sa dulot nito'y hasik, nadamay pati mga bata.

Kailan ka kikilos? Ikaw na gahaman sa kuarta?
Madadala mo ba ang kayamanan pag ika'y namatay na?
Wala ka bang pakialam na sinisira mo ang kalikasan?
Na ginawa ng Diyos, at ito'y pamanang kayamanan?

Tara na, tayo ay gumalaw, linisin ang ating kapaligiran.
Para tayo ay mayroong maipamana sa mga kabataan.
Likha ng Maykapal, ibalik ang dating angking ganda.
Magningning ang mga mata, magdudulot ng saya.


Source: Pixabay

Ito ay aking lahok sa patimpalak ni @jassennessaj na Word Challenge na mababasa dito



Please support @surpassinggoogle as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.

You can also give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Please support his project as well, which is @teardrops Smart Media Token.


Do support @steemph, @bayanihan, and @sawasdeethailand curation teams. Huge thanks to sir @bobbylee, and @hr1.

image
image
image
IYANPOL12 (1).gif


This comment was made from https://ulogs.org

Sort:  

Napakalalim ng hugot mo kabayang @iyanpol12..😊 Nararamdaman ko ang hugot mo sapagkat ang mg dating tapuan nun, sa ngayon ay tapunan na, ang dating lugar na pinapahlagahan natin noon, ngayon ay nasira na at di na pinahalagahan ng nakakarami. Gudluck kabayan sa iyong lahok.😊

Sang-ayon ako sa punto ng iyong akda. Tunay ngang mundo'y kawawa. Ang pinakamaiging gawin, tao'y tanggalin. Kahit di mo linisin, mundo'y kusang gagaling.
Hahahaha.
Wow. Napa-impromptu ako dun a. Galing mo kasi. Congrats!

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 63774.40
ETH 3406.49
USDT 1.00
SBD 2.59