"Word Poetry Challenge #8". : "Tagpuan"- My Entry

bridge-53769__480.jpg
Pinagkuhanan ng litrato


Magandang araw po sa lahat ng aking kababayan! Narito po aking lahok para sa patimpalak na ito ni ginoong @jassennessaj. Sana po magustuhan nyo ang aking simpleng akda.😊

"Tagpuan"
Katha ni @greatwarrior79


Sa mundong ating ginagalawan,
Bawat isa sa atin ay may lugar,na tinatawag na tagpuan.
Kung saan ang magsing irog at nagmamahalan ay doon nagtatagpo,
At minsan doon din ang lugar kung saan sila nagkakalayo
.


Sa mga tagpuan ay mayroon kang alaalang kaysarap balikan,
Mga alaalang masaya at puno ng pagmamahalan.
Mayroon namang hinagpis at kalungkutan,
Na kaysakit alalahanin pag masilayan mo ang inyong dating tagpuan
.


Naalala mo pa ba ang iyong dating gawain?
Na minsa'y tumatakas ka sa iyong magulang,upang ang iyong mahal ay katagpuin.
At sa inyong tagpuan,pangako sa isat isa ay di mag iiwanan,
Ngunit kadalasa'y ang nangyayari ay kabaliktaran
.


Alam kong may nangyari ng ganito,
Na ikaw ay nakipagtipan sa isang binatilyo.
Na akala mo tapat sa sumpa't pangako,
Halos binigay mo na lahat ng nasa sayo,
Ngunit di ka sinipot noong kayo na ay magtagpo
.


Ang mangingibig mo ay biglang nawala,
Hindi ka sinipot ikaw ay lumuha.
Kaya sa inyong tagpuan iyong isinumpa,
Na kailanmay sa puso mo siya ay burado na
.


Bawat isa sa atin ay may karanasan sa mga tagpuan,
Mayroong masaya at mayroon ding luhaan.
Ngunit anuman ang mangyari o kahihinatnan,
Di mawawala sa mga nagmamahalan o magkakaibigan ang tinatawag na..TAGPUAN
!


Sana nagustuhan nyo po at salamat sa konting oras ng pagbasa.😊

Screenshot_2018-04-24-17-07-12-1.png

greatwarrior79.png

DQmWhDkre5tzTuCvheN7YW8vAvMKR63r6zU6RUbfssLptHu.png

Support and Vote "steemgigs" for witness. It will be really helpful. He run a full public RPC 256 GB node as well to balance the steem ecosystem on "wss://steemd.steemgigs.org"
To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses.
If you want @surpassinggoogle to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy.
Join us in Steemgigs Community on discord: https://discord.gg/CGuPyyT

QmQMv2EQTAfvizBChe6TZfeZQMrZVpwxzDHFs9fnthE33G.jpg

gvlogoforfooter.png

DQmUespkYTcA8pRPaJuR1deHVi91Mv3MFjr1Ukbvwwdwmg9.gif

I do support also @steemkitchen; @srecipes and @steemdunk.😊
Sort:  

Napakaganda ng iyong akda @greatwarrior79..sana isa manalo ang iyong lahok sa patimpalak ni ginoong @jassennessaj. Goodluck.😊

Maraming salamat sa iyong papuri at magandang komento @blessedsteemer!😊sana nga isa ako sa manalo.😊

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65236.35
ETH 3483.12
USDT 1.00
SBD 2.51