"Word Poetry Challenge #7". : "Simbahan"/ My Entry.
Magandang araw po sa lahat! Narito po ang aking lahok para sa patimpalak ni ginoong @jassennessaj, sana po ay magustuhan nyo po ang aking lahok na ito at munting kathang tula patungkol sa simbahan. Napakalawak ng tema na "simbahan", kaya ito ang aking katha.😊
Katha ni: marigen aka. @greatwarrior79
Ito'y isang istraktura na para sa pananambahan,
At dito rin nagaganap ang bawat mahalagang yugto ng ating kasarinlan.
Bawat simbahan ay puno ng kasaysayan,
At dito rin nagmula kung anuman ang ating pinaniniwalaan.
Naitatag ang simbahan ng dahil sa mananakop na dayuhan,
At naipamana sa atin ang doktrina at pananampalataya na ating pinanampalatayanan.
Ito ang kristyanismo na laganap sa buong kapuluan,
At dapat natin ito pasalamatan, dahil nakilala natin ang Diyos at daan ng kaligtasan.
Istrakturang puno ng mga santong nasa dingding at salamin,
At ipinapakita ang buhay nila na dapat natin gayahin.
Pero hiling ko lamang ay huwag natin sila sambahin,
Sapagkat sila ay taong namuhay na may kabanalang tulad natin.
Simbahan ang nagtuturo ng tamang landas na dapat tahakin,
Ngunit di nakasalalay dito ang kaligtasan ng bawat isa sa atin.
Kundi sa pananampalataya natin sa puso't damdamin,
At pagsunod ng bukal sa puso, sa utos ng Panginoong Diyos natin.
Lagi natin tatandaan na ang simbahan, ay isang istrakturang sa buhay natin may kahulugan,
Anuman ang relihiyon o sektang kinabibilangan.
Bawat isa sa atin ay dadaan sa simbahan,
Bago tumungo sa pangako ng Diyos na tahanan.