"Word Poetry Challenge #6". : "Aking Ina" -My entry
[Larawan ng lola ko]
Magandang araw po sa lahat ng mga kababayan natin na mga mkata. Salamat sa ating hurado na si Ginoong @jassennessaj sa patimpalak na ito, sapagkat marami nabibigyan ng pagkakataon para maipakita ang paglikha ng mga orihinal na kathang tulang tagalog. Narito po aking lahok sa inyong patimpalak at sana magustuhan nyo po😊. Kahit nasa biyahe ako papuntang bohol ilalahok ko tong tula ko para sa aking ina.😊
Katha ni : @greatwarrior79
Noong ako'y isilang dito sa mundong ating ginagalawan,
Lolo't lola ko ang aking nasilayan.
Sa murang edad at aking isipan,
Akala ko sila ang aking mga magulang.
Di naglaon ng magkaisip ako,
Ako'y nagtataka at nagtanong sa lola ko.
Nagulat nabigla sa pag usisa ko,
At sabay sa tanong na siya ba ang ina ko?
Ang lola ko'y sumagot ng mahinahon,
Ang ina ko daw ay iniwan ako ng matagal ng panahon.
Kaya ako napaisip at nagtatanong,
Mahal ba ako ng aking ina na nagluwal sa akin noon?
Pilit kong hinanap ang aking ina kung saan saan,
Hindi dahil sa hinanakit, kundi upang siya man lang aking mayakap at mapasalamatan.
Ngunit ng siya ay aking matagpuan,
Mayroon na palang ibang pamilya ang nanay ko, na sa akin na nagsilang.
Sa kabila ng lahat, akoy nagpapasalamat sa aking lolang maganda,
Na di ako pinabayaan at siya kong tumayong ina.
Kahit pala wala yung babaeng nagluwal sa akin at di sa akin nag aruga,
Napakaswerte ko pala sa aking lola, kasi ako'y pinalaki na may takot sa Diyos at disiplina.
Lola kong siyang tawagin ngunit ina ang sa kanya'y aking turing,
Kasi siya ang nagpadama ng pagmamahal mula pa noong ako'y supling.
Kaya di matatawaran ang paghanga at pagpugay ko sa aking lola,
Na siyang babaeng itunuturing kong AKING INA!