Word Poetry Challenge #14 : "Realisasyon" | Ang aking lahok😊

people-2591874_1280.jpg
Pinagkuhanan ng litrato


"REALISASYON"
Katha ni: Marigen aka @greatwarrior79


Sa mundong ating ginagalawan,
Bawat isa sa atin ay may pangarap na nais makamtan.
Dahil ang buhay ay puno ng kahirapan,
At nais natin maibsan ang karukhaan na kinalakihan
.


Kay ganda ng buhay kung bawat isa ay maginhawa,
Karangyaan sa mundo ay tinatamasa.
Pagkain sa hapag kainan ay sagana,
At walang kumakalam na mga sikmura
.


Subalit ang tunay na kalagayan ay di natin maitatago,
Dahil ang totoo tayo sa buhay ay naghihingalo.
Pangako ng politiko sa hirap tayo ay ihahango,
Ngunit ang katotohana sa karukhaan ay nasasadlak lalo
.


Salitang pagbabago ay di na bago sa pandinig ng madla,
Mga krimen sa bansa ay lalong lumalala.
Kapayapaan ay laging napag uusapan,
Ngunit halos ilang dekada na ay di pa rin nakakamtan
.


Isang bagay lang aking napagtanto,
Bawat isa sa atin ay susi ng pagbabago.
Samahan mo ng gawa at dasal,
Tiyak ang minimithi natin ay di magtatagal
.


Reyalidad ng buhay ay kay hirap harapin,
Lalo na kung marami tayong pasanin.
Kaya matutong magpakumbaba at manalangin,
Sa Diyos na nagpapagaan ng ating mga dalahin
.


Kaya nga sabi sa banal na kasulatan,
At ito ang dapat natin laging tatandaan.
"Sa Diyos tayo lumapit at mananahan,
At ang pangarap natin ay ating makakamtan"
!


Ito po aking lahok sa patimpalak na ito ni ginoong @jassennessaj. At sana po ay magustuhan nyu po ang aking munting katha.😊 At sana tumpak sa tema ang aking likha, at suportahan po natin ang patimpalak na ito na naglalayon mabigyan halaga ang mga akda ng manunulang pilipino! Mabuhay po tayong lahat!

Ang inyo pong simpleng manunula;
Marigen aka @greatwarrior79


QmPdX3ccSVZRVV9sKQT7JRAo2aWC5miTW7LgXhdvCRmeom.png

gvlogoforfooter.png

DQmWhDkre5tzTuCvheN7YW8vAvMKR63r6zU6RUbfssLptHu.png

Vote for my witness: @steemgigs;@good-karma; @cloh76.witness;@ausbitbank!

To cast your vote visit https://steemit.com/~witnesses

Screenshot_2018-04-24-17-02-41-1.png

Sort:  

ang ganda po ng mensahe ng tula

Maraming salamat sayo sir @beyonddisability.😊

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.028
BTC 57531.86
ETH 3051.26
USDT 1.00
SBD 2.29